TGR#66

435 25 14
                                    


JIYEON'S POV


"Jiyeon?" hindi makapaniwalang sabi ni Papa nang makita niya ako. 


Ngumiti ako bago ako pumasok ng tuluyan sa gate. "Papa, kamusta na po?" 


He hugged me before answering. "Lagi naman akong okay, anak. Ikaw ba? Nabalitaan ko na break na kayo ni Byunghun," mababakas yung pag-aalala sa boses ni Papa. He hold my face like he is examining it. "Pa, ayos lang po ako," I assured him before removing his hands on my face. 


"Sure ka ba, anak? Kumakain ka ba sa tamang oras? Hindi mo naman siguro pinapabayaan ang sarili mo, diba? Kung ano man ang dahilan bakit kayo naghiwalay ni Byunghun, wag mo na yun isipin anak, malay mo hindi siya ang lalakeng para sayo kaya nangyari 'yan," sabi ni Papa habang mahigpit ang pagkakahawak sa dalawang kamay ko. 


Papa, you are right. Hindi si LJoe ang lalakeng para sakin... 


Niyakap niya ako ulit bago kami tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Pinaupo niya muna ako atsaka siya nagtuloy sa may kusina, ipaghahanda niya daw ako ng makakain. Napansin kong wala si Mama kaya nakahinga ako kahit papaano. Nang papunta pa lang kasi ako dito abot-abot ang kaba na nararamdaman ko at  sinamahan pa ng takot.


Naalarma ako nang marinig ko ang tunog ng wind chime na naroroon sa may front door. Isa lang ang pumasok sa isip ko, nandito na si Mama...


Bumalik yung kaba na nararamdaman ko habang papunta ako dito dahil si Mama nga ang pumasok. Nang magtama ang tingin namin hindi ko na naitago pa yung takot at kaba ko. The way she looks at me makes me feel that I really did something wrong, that I dissapoint her again, that I'm back to be a failure in this family. 


I feel so small.

I feel that I'm not welcome to this house.

I feel that she don't love me anymore.


Ang saklap lang, diba? Bumalik na naman sa dati ang lahat. 


"Oh, andyan na pala ang Mama mo e. Madami bang namimili?" lumapit si Papa kay Mama at kinuha yung mga dala-dala niyang plastic bags pagka-lapag niya ng juice at cookies sa lamesa na nasa harapan ng kinauupuan ko. 


Hindi sumagot si Mama sakanya at nakatingin lang siya sakin.


"Anong ginagawa mo dito?" she coldly said. 


Ano bang dapat kong isagot? Mali ba na nagpunta ako dito? Hindi ba ko parte ng pamilya na 'to? Ganun ba siya kagalit sakin?


Sinubukan kong maging matatag, hindi ako pwedeng umiyak, nagdesisyon na ko diba? Wala naman kasing mangyayari kung matatakot lang ako, malaki na ako, nasa tamang edad na ako, this is the right time to tell her what I really feel. 


"Mama..."


"Nagkabalikan na ba kayo ni Byunghun? Kung hindi pa, makakaalis ka na." 

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now