TGR#67

506 28 20
                                    


JIYEON'S POV


"Mrs. Park, I'm sorry for intruding and I want to say sorry for whatever I'll say right now. I'm Kim Myungsoo and I'm dating your daughter. I really love her. I want to look good and be good lalo na ito po ang unang beses na nagkita tayo pero hindi niyo po dapat saktan ang anak niyo. Jiyeon loves you so much, she did everything that will make you happy, but Mrs. Park, are you inform that you are hurting your own daughter already? She is at the right age to be in her own, pero what? Ginagawa pa rin ni Jiyeon ang gusto niyo dahil mahal niya kayo, kahit na hindi siya masaya sa mga ginagawa niya wala siyang pakialam as long na mapasaya niya kayo na mabalik niya yung dating kayo. Isa lang naman ang gusto ni Jiyeon, ang maging Mama kayo ulit sakanya."


Sinubsob ko lang ang mukha ko sa dibdib ni Myungsoo at dun ako nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi ko maisip na kaya akong saktan ni Mama, she really hates me now, what did I do?


"You've got guts to tell me that, Mr. Kim. Sino nagpapasok sayo sa pamamahay ko?!"


"I did, yeobo. This is enough. Can't you see that our daughter is already suffering just to please you?!"


First time kong marinig na nagtaas ng boses si Papa. 


"What?! Palayasin mo sila sa pamamahay ko?! At bakit nandito ang  Kim Sungwoo na 'yan?! Nababaliw ka na ba?! Siya ang puno't dulo ng lahat ng 'to! Iniwan niya ang panganay mo sa dapat na kasal nila! Bakit ka nandito?! Lumayas ka!"


"Myungsoo, ilayo mo muna si Jiyeon dito. Ako nang bahala."


Lumayo ako kay Myungsoo at nakita ko si Hyojoon oppa sa likod niya. Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya nang mahigpit at kagaya kanina iyak lang ako ng iyak habang siya tinatapik lang ang likod ko. 


"Iho, pasensya na, ikaw na munang bahala sa anak ko. Kakausapin ko lang ang asawa ko. Pasensya na rin, Sungwoo."


Nang marinig ko ang boses ni Papa lumayo ako kaagad kay Hyojoon oppa at lumapit ako sa Papa ko, still crying, "Papa, I'm sorry... I'm sorry... please tell Mama that I'm so sorry, hindi ko po sinasadya yung mga sinabi ko, nasaktan ko siya... I'm sorry..."


He pulled me into a hug. "Ssshh, princess, it'll be okay, magiging maayos din ang lahat, bigyan mo lang ang mama mo ng panahon. She really love you, okay? Natatakot lang siya na baka masaktan ka lang din kaya siya naging ganito. Don't hate her, okay? Papa is proud because for the first time pinaglaban mo yung gusto mo."


"Papa, I love her. I love Mama."


"She loves you too, Jiyeon. Always remember that. We love you."


---


"Sweetheart, bakit hindi mo kinakain yung niluto ko? Hindi ba masarap?"


Napakurap ako dahil sa sinabi ni Myungsoo. Dun ko lang napansin na natulala na pala ako. Nginitian ko lang siya at saka ko kinuha yung kutsara't tinidor ko at nagsimula na kong kumain. 

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon