TGR#23

825 46 7
                                    

Jiyeon's POV

 "What if I say yes? Yes, I don't just want to be your friend, Jiyeon. I want more than that. Not just your friend. Not just that." 

I was so surprised at what he said, napako tuloy ang tingin ko sa mga mata niya na diretso lang din na nakatingin sakin. I gulped, ano bang sinasabi niya? Is he serious? Ang ibig ba niyang sabihin gusto niya ako? Wait, hindi yun pwede, diba? Like... no. Hindi pwede... sino ba naman ako para magustuhan niya, diba?

"Pfft. I'm just kidding," napapikit ako sandali nang bigla niyang pitikin ang noo ko. 

I bit my lower lip while glaring at him habang nakahawak ako sa may noo ko. Kailangan ba talagang gawin pa 'yon?! Ang sakit kaya!

"You are thinking that it is impossible, right?" kumurap-kurap ako, I'm waiting for him to continue. Bigla siyang ngumiti, yung ngiti na magpaparamdam sayo na para kang isang ice cream, sa intense ng titig niya tapos idagdag mo pa yung nakakainlove niyang ngiti pakiramdam ko any minute from now, matutunaw na ako.

"Don't worry, Ji. Nagbibiro lang ako. Anyway, you told me earlier that we are friends, right?" I don't know why pero hindi ako komportable sa pagkakasabi niya nung 'we are friends' parang may iba pa siyang ibig sabihin. O baka naman iniisip ko lang 'yon?

---

Another day to shoot an episode of We Got Married.

"Manager, bakit mo dinala dito yung skateboard ko?" kinuha ko kay Manager Sehun yung skateboard ko, nagtataka naman ako dahil ang aga niyang nagpunta. 7 am pa lang kaya. 

"Hindi ka ba nasabihan? Kakailanganin mo 'yan para sa shoot niyo."

Tumango tango na lang ako at ibinaba ko yung skateboard ko. Napangiti ako, namiss ko 'to. Namimiss ko na magskateboarding.

Umalis rin agad si Manager kaya pumasok na ko sa loob napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Myungsoo. That smirk again. Scratch that, that creepy smirk again.

"Good morning, Ji." Sabi niya habang nag-iinat at saka siya naghikab. Lumapit siya sakin at gaya nang ginagawa niya nitong mga nakaraang araw, hinalikan niya nang mabilis yung ibabaw ng ulo ko. Naiilang ako pero hindi ko na lang pinansin. "How's your sleep? Nakatulog ka ba nang maayos?"

Umatras ako nang konti. "Yeah, ikaw ba? Gusto mo ng kape?" 

Instead of answering lumapit siya sakin at inakbayan niya ako at hinatak papunta sa may kitchen. 

"Just sit there at ako na ang magtitimpla ng hot chocolate natin." 

Nangalumbaba lang ako after kong ibaba sa tabi yung skateboard ko. Nakita ko rin na nandito sa may lamesa yung camera ni Myungsoo. Mukhang alam ko na kung ano ang ipapagawa samin ngayon sa shoot. It's all about our hobbies.

"Here's your hot chocolate," I said thanks after niyang ilagay sa may harap ko yung mug ng hot chocolate ko. I was holding his camera at I saw him na umupo sa may katapat kong upuan. "Do you really like taking pictures?" tanong ko.

"I don't like it. I love it, Ji."

Sumulyap ako sakanya sandali, iniwas ko din ang tingin ko agad dahil nakakailang talaga yung tingin niya. I'm talking about his hobby taking pictures pero bakit parang iba yung tinutukoy niya?

Umayos ka nga, Jiyeon! Kung anu-ano iniisip mo! Wag mong bigyang malisya yung mga pinapakita ni Myungsoo, okay? 

"This is the right way on how you should hold this."

Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang bigla kong maramdaman yung hininga ni Myungsoo sa may leeg ko. Lalo naman yung presensya niya sa likod ko! He is too close, for petes sake! Para niya kong niyayakap!

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon