TGR#7

1.1K 62 17
                                    

Jiyeon's POV

"Wala ka na bang nakalimutan?"

Inangat ko yung mukha ko para tingnan si Hyomin unnie. Tinignan ko yung maleta ko tapos yung isa ko pang bag na laman ang iba ko pang gamit. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, then pinadyak ko yung paa ko para masuot ng maayos yung boots ko.

"Wala na, unnie. But do i really need to live in the same house with that jerk?" I said.

Hyomin unnie chuckled at lumapit siya sakin. She hugged me habang hinahaplos yung ulunan ko.

"Jiyeon ah, you need to. Kahit na mamimiss ka namin dito, kaya naming magtiis. This is for your career. Diba gusto mo namang bumalik yung dating tingin ng mga tao satin, diba?"

I hugged her back. Pumikit ako at inaalala ko yung mga nangyari dati. What happened in the past really left a wounds in our hearts. Ayoko nang balikan pero kahit anong gawin namin, sinusundan pa rin kami ng issue na 'yon. How I wish that i can erase that issue in everyone's mind.

Naghiwalay na kami sa pagyayakapan ni Hyomin unnie then she hold my hands.

"Be a good girl there, okay? Alam kong you hate Myungsoo. But Jiyeon ah, maybe he is not the same to the guy that hurts your ate diba?"

Kinuha ko yung kamay ko mula sakanya at tumalikod ako. Remembering that guy's face really boils my blood. I hate him for hurting my ate, for leaving her. I don't care if i'm being unfair. I can't treat Myungsoo right. Because he is a Kim.

His blood runs the same blood of the guy I loathe the most.

I said good bye and hugged my unnie's bago ako bumababa at puntahan si manager. Nginitian ko lang siya bago ko ibigay sakanya yung handy bag ko at binuksan ko na yung pintuan ng van. Siya na rin ang nagpasok ng maleta ko kaya feeling prinsesa lang ako na nakaupo at ginagamit ang iPad ko.

"Anak ng tofu, hindi ko alam na marami rin pala kaming shipper." Bulong ko sa sarili ko nang makita ko yung mga articles about sa We Got Married naming dalawa ni Myungsoo.

"Jiyeon, wag mong aawayin si Myungsoo ha? Magpakabait ka dun sa bahay niyo. Maglilinis ka dapat."

Napaikot naman ako ng mata dahil sa sinabi ni manager. Hay nako, sawang sawa na ko marinig na kailangan kong magpakabait doon at wag kong aawayin yung Myungsoo na 'yon.

Ngumiti ako at sinandal ko yung ulo ko sa may bintana.

"I'll try." Sagot ko.

—-

Pagkarating namin ni manager dun sa address na binigay ni PD-nim ng We Got Married, may sumalubong sa amin na mag-asawa. Nakangiti silang parehas sakin kaya lumapit ako sakanila pagkatanggal ko ng shades ko.

"Hello po. Good morning," bati ko sakanila tapos yumuko ako bilang paggalang.

"Napakaganda mo naman, iha. Magandang umaga rin sayo," sabi ni Lola sakin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"Um, salamat po."

"Ikaw ba si Jiyeon?" tanong naman ni Lolo kaya sakanya naman ako humarap. Tumango ako sabay sabing "ako nga po, Lo." Napangiti siya at tumango-tango at naglakad papunta sa may gate ng bahay na nasa harapan namin.

Sinundan ko siya ng tingin. Siguro sila ang may-ari ng bahay na 'to?

"Si Ricardo ang may-ari ng bahay na 'yan, iha."

Napatingin ako ulit kay Lola habang nanlalaki ang mga mata.

"R-Ricardo? Si Mr. Gamboa po ba ang tinutukoy niyo, 'La?"

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now