TGR#57

419 22 10
                                    


Myungsoo's POV


"Kanina pa tumutunog yung cellphone mo, bat hindi mo sagutin?" 


I ignored Dongwoo hyung at tinuloy ko ang ginagawa ko sa camera ko. Isa-isa kong binubura yung mga pictures niya dito, sa sobrang dami pakiramdam ko mapapagod din ako sa ginagawa ko at nagsasayang lang ako ng oras kaya tinigil ko na. 


"Sino ba 'yang tumatawag na 'yan? Pucha naman, Myungsoo, mag-iisang linggo na ata 'yang tumatawag na yan. Wag mong sabihing may tinakasan ka na utang?!"


Tumawa lang ako at naglaro na lang ako sa iPad ko. 


"Tss. Para 'tong tanga. Ako din parang tanga, kausap ko lang ba sarili ko? Bwisit ka talaga," nainis na siguro si hyung at lumabas na ng kwarto. 


Kaagad namang nawala yung ngiti sa labi ko. Ang hirap magpanggap na ayos ka lang. Tangina. Mag-iisang linggo na pero sobrang apektado pa din ako. Nasasaktan pa rin ako. Ang bakla pakinggan. Putek.


Sinulyapan ko yung iPhone ko na tumigil naman na sa pagtunog. Hindi ba siya mapapagod sa ginagawa niya? Papahirapan ba niya ko talaga ng ganito? Nagparaya na ko, diba? 


Nawalan na ko ng gana maglaro sa iPad kaya pinatay ko na lang 'to at matutulog na lang sana ako nang biglang hinila ng kung sino man yung kumot ko. Kunot noo kong tinignan kung sino, si Hoya hyung pala. 


Napakamot ako sa ulo ko at umayos ako ng upo sa kama. Heto na naman siya.


"Hyung, hindi magbabago ang isip ko. Please tell her stop calling me."


"Hindi ako nandito para doon. Gumayak ka, maglalaro daw tayo ng baseball sabi ni Sunggyu hyung."

Ah, pucha, napahiya ako doon.


Nagbihis ako kaagad at nakita ko silang ako na lang pala ang iniintay.


"Maaliwalas ang panahon ngayon, let's have a game. Tama na pagmumukmok," sabi ni Sunggyu hyung. 


"Mabuti nga. Kabisado ko na yung ringtone ng isa diyan e." Sino pa bang magsasabi nun? Syempre, si Dongwoo hyung. 


"They are just concern," napatingin ako kay Woohyun hyung na inakbayan ako at hinila na paalis. 


Kotse ni manager hyung ang gamit namin, mabuti na lang lagi niya 'tong iniiwan, tutal wala naman kaming mga activities at this month kaya nagagawa namin mga gusto namin. Makauwi nga muna sa amin at makalayo muna dito. 


"Pasaway talaga. Hindi na rin nakikinig sakin 'yan e. Andyan ba siya? Pakausap nga," napatingin ako kay Hoya hyung na may kausap sa cellphone. "Park Jiyeon, anong hindi ka kumakain? Gusto mo bang magkasakit ulit? Napakapasaway mo. Aba, subukan mong babaan ako ng tawag, susugurin kita kala mo."

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now