TGR#28

787 45 10
                                    

Jiyeon's POV

"Jiyeon unnie, may hinihintay ka pa po bang text?" 

Napatingin naman ako kay Michiko. Ngumiti na lang ako at kumain ulit.

"Kakanood ko lang po nung mga recent episodes ng We got married niyo, unnie! Shocks! Hindi ko napigilang mapatili habang nanonood! Kilig na kilig talaga ako sainyo ni Myungsoo oppa! Lalo na nung accidentally kayong nagkiss!!!!"

Kanina pa siya nagkukwento nang ganyan. Natatawa na lang ako. Nakakatuwang makita na masigla na ulit si Michiko. Pero hindi na ganun kasigla tulad ng dati. Ilang buwan ko na ba siyang nakakasama? 4 months? Tulad kung gaano katagal na rin yung segment namin sa We got married. Gaya nga nung sabi ng isang host kanina, patapos na ang We got married. Patapos na ang pagiging husband and wife namin ni Myungsoo. Malapit na rin dumating ang huling araw na parehas na bahay ang inuuwian naming dalawa.

"Unnie, mamimiss mo si Myungsoo oppa no?" nakangiting sabi ni Michiko. She can really read me. "I'm sure, mamimiss ka din niya."

"You think so?"

"Opo! Syempre, mamimiss niya yung asawa niyang napakaganda." 

"Bolera ka talaga," sabi ko sabay gulo ng buhok niya. Ang sarap pakinggan yung tawa ng baby girl ko na 'to. "By the way, balita ko nahihirapan ang daddy mo na painumin ka ng gamot?"

"Hindi po kasi masarap. Ang pait," sabay dila pa niya kaya natawa ako.

"Michi, but you need that. Paano ka gagaling kung hindi ka iinom ng gamot? Sabi din sakin ni Mr. Joey hindi ka na rin daw pumupunta sa ospital. You promised, right?"

Biglang lumungkot yung mukha niya sandali tapos ngumiti naman din siya after.

"Unnie, gusto ko na lang gawin lahat ng gusto ko. Kapag nagstay pa ko sa ospital, hindi ko magagawa yung mga gusto ko. Masasayang yung oras ko. Konting panahon na nga lang ang natitira sakin, ilalagi ko pa ba sa ospital? Hehe."

"Michiko..." hinawakan ko yung kamay niya. "Always remember that I love you, okay?"

Ngumiti siya at tumango-tango. "Me too, unnie. I love you too. Love ko po kayo ni Myungsoo oppa! I love MyungYeon!" 

After naming kumain. Nagpunta kami sa kwarto niya. Hindi na ko nagulat dahil punong puno 'to ng mga myungyeon stuffs, mula sa unan at sapin sa kama, may mga posters din sa gilid, nandun din yung mga albums ng T-Ara at Infinite pati yung solo album ko. Nasa may picture frame din na malaki na nasa may pader yung picture namin ni Michiko at Myungsoo pati ni Mr. Gamboa. Ibang-iba ang ngiti ni Michiko dito, she looks so happy here.

"Unnie, pwede po bang patulugin mo muna ako bago ka umalis?" lumingon ako kay Michiko na nakaupo sa may kama niya. Lumapit ako sakanya at tumabi ng upo. Hinawakan niya yung mga kamay ko. "Salamat po sa pagpayag sa gusto ng daddy ko. Salamat po for making MyungYeon real even if in just a segment."

"Michi."

"Ilang beses ko na po bang naikwento sainyo na pangarap ko talaga 'yon? Siguro swerte lang talaga ako dahil I have a powerful dad kaya nangyari yung gusto ko. Malas nga lang dahil hindi ko na po masusubaybayan ang ibang mga projects niyo ni Myungsoo oppa if ever," parang maiiyak na din ako nang unti-unting tumulo yung mga luha sa mga mata ni Michiko. She sniffed at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya at kitang kita ko ang pagtaas baba ng magkabilang balikat niya. "I will always be thankful to my dad, to you unnie and to Myungsoo oppa for making me happy before I die. Everytime I'm looking at these myungyeon stuffs inside my room feeling ko lumalakas ako. Everytime na nakakakita ako ng mga pictures niyong dalawa sa internet feeling ko biglang naglalaho yung sakit ko, everytime na nakakasama ko kayong dalawa pakiramdam ko matagal-tagal pa ang ilalagi ko dito sa mundo."

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang