TGR#38

816 31 17
                                    

Myungsoo's POV

"Doyeon, bakit ka nandito?"

I looked at my cousin sitting at the sofa at saka ako tumingin kay Sungyeol hyung na kumakain lang at nasa kabilang sofa habang nakatutok sa tv. Hindi niya ata ramdam na nakatingin ako sakanya. Kaya tumingin ako kay Hoya hyung na nakatayo lang sa may kitchen bar at nakasandal holding a mug of coffee. Sunod ko namang tinignan si maknae Sungjong na kakapasok lang at may dala-dala pang plastic bags.

"Pagkagising ko nasa labas na siya," he said nang mapalapit siya sa kinaroroonan ko.

Lumapit na ko kay Doyeon at tinabihan siya sa may sofa.

"Ang aga mo naman ata. Nag-almusal ka na ba?"

"Hindi pa nga e. Sabay tayo kumain please?" sabay kapit niya sa braso ko.

Tumango na lang ako at pumunta kami sa may kusina. Nandun si Woohyun hyung at Sunggyu hyung at naghahanda ata ng almusal. Umupo ako sa isang upuan at sa isang upuan naman si Doyeon.

"Morning, Doyeon." Bati ni Woohyun sa pinsan ko pero hindi siya nito pinansin. I nudged her at nginuso ko si Woohyun. "Morning, Woohyun oppa. Hehe."

Napangiti naman doon si Woohyun hyung at tinuloy na ang ginagawa. May nilagay sa ibabaw ng lamesa na toasted bread si Sunggyu hyung kaya kumuha ako at kumain. Sakto namang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko 'to mula sa pants ko.

Napangiti ako when I saw Jiyeon's morning selca. She is still pretty even when she just woke up.

"Oppa, ano 'yan--"

Bago pa makita ni Doyeon yung nasa cellphone ko pinalo ko na sakanya yung cellphone ko nang mahina.

"Don't invade my privacy. You silly girl." Saway ko sakanya kaya napanguso naman siya. I saw that my hyungs finished preparing our breakfast kaya tinawag ko na sila Sungyeol hyung, Hoya at Sungjong para kumain. "You eat too, may schedule kami ng maaga. I can't accompany you today."

Mas lalo siyang ngumuso but then I ignored it. After naming kumain ng breakfast, nagkanya-kanya na kaming gayak at umalis na rin naman na si Doyeon.

"Pinsan mo ba talaga 'yon, Myungsoo?" naialis ko ang tingin ko sa cellphone ko dahil sa tanong ni Dongwoo hyung.

"As far as I know, yes." Sagot ko at binalik ko na yung tingin ko sa cellphone ko.

"Tingin ko may pagnanasa 'yon sayo e. Kakaiba mga tinginan." Woohyun hyung

"Oo nga. Mga kalevel siguro ng mga sasaeng fans mo 'yang pinsan mo." Sungyeol hyung

"Retokada ba siya?"

Sabay sabay kaming napatingin kay Sungjong dahil sa sinabi niya.

"Si maknae talaga o! Iba magsalita! HAHAHAHAHAHA!" sabi ni Woohyun hyung. Napailing na lang din ako. Puro kalokohan 'tong si maknae.

"Sungjong is right. Halata namang retokada 'yon," sabi naman ni Hoya hyung.

Nagtawanan lang sila nang nagtawanan. Hindi ko naman maipagtanggol si Doyeon kahit pinsan ko siya dahil totoo naman ang sinabi nila. Retokada talaga 'yon. Nung debut niya, that's what she asks for in her parents. Dahil mahal na mahal siya ng magulang niya, syempre pinagbigyan ang gusto niya.

Napasilip ako sa tinitignan ni Hoya hyung na katabi ko. Kanina ko pa kasi nakikita na napapangiti siya. Kumunot ang noo ko nang makitang si Jiyeon ko ang pinapanood niya. Isa ata 'to sa mga episodes ng The Show. She is an MC there, remember?

Mas lalong kumunot ang noo ko nang bigla niyang pinatay yung iPad niya at tumingin sakin sandali at pagkatapos sinaksakan niya ng earphones yung magkabila niyang tenga.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now