TGR#42

740 31 14
                                    

A/n: Guyssss, hindi ko intensyon na paasahin kayo ha! Syempre like you, I'm wishing too na sana si Jiyeon ang kapartner ni Myungsoo sa The Blue of My Heart... I'm wishing for it so badly na gusto ko magkatotoo 'to kahit na sa fanfic lang na 'to nila mangyari. KAYA SORRY KUNG FEELING NIYO PINAPAASA KO MAN KAYO HA! :( Love you, all!

Gusto ko lang kayo pakiligin at pasayahin kahit na dito lang sa fanfic na 'to.

Thank you sa lahat ng mga nagbabasa pa din! MyungYeon loves you all! :)

(credits to the owner of the photo in the multimedia)

Jiyeon's POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kahit na antok na antok at pagod na pagod ako sa biyahe namin papunta dito sa Philippines, I pick my cellphone up to answer the call.

"Yes?" hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.

"Jiyeon, get out of your room. Bumaba ka na dito. Dinner time," nakahiga pa din ako sa kama ko habang kinusot-kusot ko yung mga mata ko to wake myself up. Si Manager pala 'tong tumatawag.

Dinner time...

Napabangon ako ng di oras sa kama. WHAT? DINNER TIME NA?!!!

"Jiyeon? Andyan ka pa ba?"

"Y-yes, manager. Bababa na po ako," then I ended the call.

Umalis na ko sa kama habang hawak-hawak yung cellphone ko. Nakita ko ngang gabi na pala at kitang-kita sa may labas na ang dilim na. Ang tagal ko palang nakatulog? Nag-ayos na ko ng sarili ko tapos lumabas na ko ng kwarto. Wala kong makitang mga tao. Kumakain na ba silang lahat?

Until now, wala pa din akong clue kung bakit kami nandito sa Philippines. Nang dumating kami nila Manager at ni Sarah unnie na stylist ko, pati sila Michiko, Mr. Gamboa at Mr. Joey hindi na ko nagkaroon ng chance para magtanong kasi dinala na nila ko kaagad sa kwarto ko. Madaling-madali nga sila sa pagpapapasok sakin sa loob eh, ang weird nga nila ng kilos nila lalo na si Manager... pero hindi ko na lang pinansin kasi nga gusto ko na rin magpahinga.

Isang summer white dress lang ang suot ko. Tutal we are here in the Philippines, this is a tropical country meaning mainit dito lalo na at summer kaya dress na lang ang sinuot ko para naman malamig kahit papaano at komportable.

Sumakay ako ng elevator pababa, sakto namang pagkabukas ng elevator meron akong nakitang staff ata ng hotel na nakatayo lang sa isang gilid so lumapit ako.

"Excuse me, where can I find the dining area here?" sabi ko.

Pero parang hindi ako narinig nung babae. Nakatingin lang siya sakin for a seconds then kinuha niya bigla yung cellphone niya at may kung anong tinignan.

"OH MY GOODNESS!! IS THIS FOR REAL?!!!"

Napaatras naman ako dahil sa takot.

"OMG! OMG! IKAW NGA 'TO! ANG GANDA MO LALO SA PERSONAL!!!!"

Awkward lang akong napangiti.

"T-thanks?" pagpapasalamat ko.

"Um... can we have a picture together? Y-You are Park Jiyeon, right? T-T-ara's maknae?" parang biglang nawala yung energy niya kanina, she looks so shy right now.

Nakakatuwa naman kasi may nakakakilala pala sakin dito.

I smiled. "Sure."

We took many pictures together, nag-enjoy naman kasi talaga ako. Makwento siya at madami din siyang tinatanong sakin, I don't know why pero nag-eenjoy akong kausap siya. Panigurado hinahanap na ko ni manager nito. Bahala na mamaya.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now