TGR#19

911 55 13
                                    

Jiyeon's POV

Tahimik lang ako habang kumakain kasama ang Infinite. Ang ingay nila, tama nga yung sabi-sabi na enjoy kasama 'tong mga 'to. I don't feel out of place. Palagi nila akong kinakausap. Pero ewan ko ba at bakit parang lutang ako ngayon. 

"Jiyeon, hindi ka ba nasarapan sa luto ni L hyung?"

Napatingin naman ako kay Sungjong. "Ah... n-nasarapan," nakangiti kong sabi.

"Sabi sayo! Dapat sinarapan mo pa. Tignan mo, di makakain asawa mo!"

Muntik naman akong mabilaukan dahil umiinom ako ng tubig nang sabihin 'yon ni Woohyun. 

"Tss." Si Myungsoo habang nakakunot ang noo, hindi talaga maitatanggi na ang gwapo niya pag nagsusuplado. Kahit nakangiti -- gwapo pa din siya. Parang gwapo siya palagi o kahit anong itsura. Bakit ganon?

"Matunaw naman si Myungsoo wag mong titigan." Sabay halakhak ni Dongwoo oppa.

Ewan ko ba pero pakiramdam ko bigla akong namula dahil sa sinabi ni Dongwoo oppa. Yumuko na lang ako. Nakakahiya shet!

"Napaka-ingay niyo. Tss. Kumain na lang kayo tapos umuwi na kayo." Narinig ko namang sabi nitong katabi ko. Sungit mode on ba siya?

Problema nito? Pinapauwi na niya agad mga kagrupo niya? How rude. Psh. Pero sabagay gusto ko na rin magpahinga, masyado akong napagod ngayong araw.

"Wag kang mag-alala, Myung. Uuwi na kami pagkatapos naming maghugas ng pinagkainan." Sunggyu oppa

"Wag na. Ako nang bahala."

"Kanina ko pa nahahalatang gusto mo na kami paalisin. Bakit? Gusto mo bang masolo si Jiyeon noona?" pagsingit naman ni Sungyeol.

Bigla akong napangiti. Nakakatawa kasi itsura ni Myungsoo. Napagtutulungan e. Haha! Ang cute lang, parang gusto na niyang pagsasakalin 'tong mga kagrupo niya.

"Sabagay, kung ako din si Myungsoo gusto kong masolo parati si Jiyeon. Kung ganito ba naman ang asawa ko, mas pipiliin kong nasa bahay na lang ako." Nagulat ako kasi bigla akong inakbayan ni Woohyun, nasa right side ko kasi siya tapos sa kaliwa naman si Myungsoo.

Tinignan ko si Myungsoo at nakita kong ang sama ng tingin niya kay Woohyun. Okay, I feel so awkward tuloy. Hindi ako makasubo. Ang talim ng titig niya e. Eto naman, pikon. Ang daling asarin! Obvious namang pinagtitripan lang siya nila Woohyun. 

Napansin ko lang parang wala si Hoya?

"Kasama ng CEO namin si Hoya. Siya trip ngayon ni bossing. Hahaha!" Dongwoo

Napakurap ako. Nasabi ko ba 'yon nang malakas? Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

"Wag naman ganyan o. Nagseselos 'tong si boy." Sabi ni Sunggyu. Napatingin tuloy ako kay Myungsoo sabay taas ng isang kilay ko.

Eto nagseselos?

"I'm not." Sandali siyang tumingin sakin habang magkadikit ang mga kilay. 

"Noona, alam mo bang gustong sumabay niyan sa part mo ng Sexy Love nung minsang nagconcert tayo ng sama-sama? Ako na sumayaw mukhang nahihiya pa siya e! Hahaha!"

Napataas ang kilay ko. "Totoo?" tanong ko kay Sungyeol na tumango naman. Lumingon ako kay Myungsoo at bigla siyang lumingon sa harapan niya sabay sabing "Wag kang maniwala. Shut up, Sungyeol."

"Oo nga, tapos nung sa ISAC? Nung nakita niyang di mo mabuksan yung bote nung tubig gusto ka niyang tulungan. Kaya lang natotorpe--este nahihiya 'tong si L. Haha!" Sabi naman ni Sungjong.

"Pfft." Pinipigilan kong matawa. Totoo ba 'tong mga sinasabi nila? Di ko 'yon napapansin ha. 

"Tss. Mga sinungaling. Bilisan niyo nga kumain!" Myungsoo

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now