TGR#9

960 59 24
                                    

Jiyeon's POV

Tahimik lang kaming dalawa ni Myungsoo habang pauwi. I want to say thank you to him pero nag-aalinlangan ako na baka pag kinausap ko siya ngayon mas lalo pa siyang mabadtrip.

But magpapasalamat lang naman ako diba?

"What do you want to say?"

Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Napatingin tuloy ako sa gawi niya, buti na lang at diretso ang tingin niya sa harap.

"Ah eh ano ahm sa--"

"I did that because they are wrong." Seryoso niyang sabi. "Wala silang karapatan para saktan ka, para manakit ng ibang tao."

Napahigpit ang hawak ko sa damit ko. He is right. Hindi nila ko dapat sinaktan.

Nagtaka ako dahil biglang huminto ang kotse. Tumingin ako sa labas at nakita ko na nasa may gilid kami ng tulay. Lumingon ako kay Myungsoo na sinusuot ang shades niya at cap niya.

"Wear your shades and this." Napapikit ako nang may nilagay siya na kung ano sa ibabaw ng ulo ko. Pagdilat ko, nakita ko na may suot suot na rin akong cap tulad sakanya. "Magpahangin muna tayo."

Pinanood ko lang siya na lumabas ng kotse. Bakit kami nandito? Binuksan ko ang pintuan sa gilid ko para lumabas na rin pagkatapos kong isuot ang shades ko.

Nang makita ako ni Myungsoo bigla siyang pumunta dun sa may pababang hagdanan kaya sumunod ako sakanya. Nang makababa akong tuluyan, isang magandang beach ang nakita ko. Walang katao-tao. Hinanap ko si Myungsoo at nakita ko siya na nakaupo sa may itaas ng mataas na bato.

Lumakad ako palapit doon. Napatingin naman siya sakin at inabot niya ang isa niyang kamay, nung una tinitigan ko lang ang kamay niya nagtataka kung para saan 'yon. "Mas makikita mo ang ganda ng beach na 'to dito." Sabi niya kaya inabot ko na rin ang isa kong kamay para makaakyat na ko.

And he is right. Mas kita nga ang ganda ng beach na 'to dito. Nakakagaan ng pakiramdam. Parang sa isang iglap lang, i ko na maramdaman yung sakit nang mga natamo kong sugat kanina.

"Your hand still hurting?" pagtatanong niya.

Napatingin tuloy ako sa kanang kamay ko at namumula nga 'to.

Umiling iling ako. "Hindi na siya masakit, don't worry."

"Wait for me here." Nagulat ako kasi bigla siyang tumalon pababa at tumakbo paakyat sa hagdanan. Saan pupunta 'yon? Don't tell me kukuha siya ng first aid kit para gamutin ang mga sugat ko? Haha. Imposible.

"Buti na lang at dala ko 'to palagi. Iba talaga pag gwapo laging handa."

I gasped nang makita ko na nasa tabi ko na ulit si Myungsoo at may dalang first aid kit! Oh my god, bakit lahat nang naiisip ko na hindi niya gagawin ginagawa niya? O baka naman masyado ko lang siya minamaliit?

"Give me your hand," utos niya sabay hila ng kanang kamay ko. Napa-aray ako nang bigla niya 'tong pisilin kaya bigla kong hinila yunng kamay ko mula sa pagkakahawak niya. What the?!

"Artista ka nga talaga." Nakangisi niyang sabi at pagkatapos ay hinila niya ulit ang kamay ko. Di na ko nakapalag dahil tinignan niya na ko nang nakakatakot.

Para bang sinasabi niya na: "Behave, Park Jiyeon."

Tsk. Bakit naman ako sumunod diba? Binaling ko na lang ang atensyon ko sa dagat na kitang kita mula dito. I closed my eyes and feel the breeze of the wind. I bit my lower lip nang maalala ko yung mga sinabi sakin kanina ng mga fans, kung gaano sila kagalit sakin kitang kita ko sa mga mukha nila yun kanina. Nakakatakot.

Dahan-dahan akong napadilat nang maramdaman kong may malambot na humawak sa kaliwang kamay ko. Tumingin ako kay Myungsoo na nakatingin lang sa harap tapos tinignan ko ang kamay ko na hawak hawak niya. His hands make me calm. Di ko namalayan na unti unti na palang tumutulo ang mga luha mula sa mata ko.

"Sshhh... I'm here. Tapos na. Hindi ka na nila sasaktan." Sabi niya sabay sandal ng ulo ko sa may balikat niya.

Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi ni Myungsoo. Ang tagal ko ring pinigilan na umiyak mula kanina pa dahil ayokong makita ng mga fans na mahina ako. I want them to see me strong kasi alam ko pag nakita nila na umiiyak ako mas lalo silang maeengganyo sa mga ginagawa nilang pananakit.

"T-thank you," sa wakas nasabi ko rin.

Pagkadating namin sa bahay, pinanood lang ako ni Myungsoo ng tv habang siya nagluluto. Sabi ko nga tutulungan ko na siya pero wag na lang daw baka masayang lang mga sangkap ng pagkain kapag tumulong ako. Tch, meanie.

Kaya heto nakaupo lang ako habang nakayakap sa may tuhod ko at nanood ng tv while sipping hot chocolate. Biglang umulan eh. Mukhang may bagyo kasi ang lakas ng ulan ngayon.

Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa may bulsa ng jacket ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang tumatawag at bigla akong napangiti. My boyfriend is calling me!

Hindi na ko nag-atubili at sinagot ko na ang tawag ni LJoe.

"Oppa! I missed you!" Masayang masaya kong sabi.

Napangiti ako lalo nang marinig ko ang tawa niya mula sa kabilang linya.

[ I missed you too, Jiyeon. How's your day? ]

Pinatay ko muna yung tv para magkarinigan kaming dalawa.

"Ayos lang, oppa. Ikaw ba? Kumain ka na ba ng dinner?"

No, i will not tell him that i'm getting bullied. Never. Ayokong mag-alala pa siya sakin.

[ Nasa labas kami nila CAP hyung, magtitreat siya eh. Can we meet? Malapit lang 'to sa apartment niyo. ]

Oh, crap! Hindi ko ba nasabi sakanya na dito na ko sa bahay na 'to titira muna?

"Ah oppa kasi ano--"

"Kakain na kami ng asawa ko. Mamaya ka na tumawag. Bye."

Napanganga ako dahil sa ginawa ni Myungsoo. Wtf.

"Cellphone mo." Sabay abot niya sakin ng cellphone ko.

Tinignan ko lang yung kamay niya na hawak hawak ang cellphone ko at inaabot 'to sakin at saka ako tumingin sa mukha niya.

Kumunot ang noo niya dahil sa inasta ko. Siya na ang humila sa kamay ko at dun pinatong ang cellphone ko.

"Tara na, kumain na tayo. Mamaya mo na kausapin yang kabit mo kung makakausap mo pa ngayong gabi." Nakangisi niyang sabi.

I blinked twice at dali dali kong dinial ang number ni LJoe. Shit! Di siya sumasagot! Ano bang masamang espiritu ang sumapi kay Myungsoo at sinabi niya 'yon?! Ugh!

Parang huminto ang tibok ng puso ko nang biglang nagvibrate ang cellphone ko meaning may nagtext.

I gulped bago buksan ang text message:

LJoe oppa

Let's talk kapag wala yung asawa mo.

Biglang kumulo ang dugo ko at napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

"Dammit, Kim Myungsoo!!!!!"

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon