TGR#17

871 52 9
                                    

Jiyeon's POV

"Salamat sa paghatid." I said before giving LJoe's cheek a kiss. "Matulog ka pag-uwi mo ha? Tanghali pa naman ulit practice niyo, diba?"

"Yeah. You too, Jiyeon." Siya naman ang humalik sakin sa pisngi.

I saw him na bubuksan ang pintuan ng kotse niya kaya I stopped him by touching his hand.

"Wag ka na bumaba. Okay na ko dito." Sabi ko habang nakangiti at binuksan ko na yung pintuan sa tabi ko. Pagkababa ko, sumilip pa ko sa may bintana niya at kumaway. "Bye. Ingat sa pagdadrive, Lee Byunghun."

Pinanood ko muna ang pag-alis ng kotse niya bago ako pumasok sa loob ng bahay. Isusuksok ko sana yung susi sa doorknob nang biglang bumukas 'to. Kukurap-kurap lang ako habang nakatingin kay Myungsoo. At mukha siyang wala sa mood.

"Morning," bati ko. Naglakad na ko papasok sa loob at aakyat na ko sa kwarto ko para makapagpahinga.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?"

Napatigil ako sa gitna ng hagdanan dahil sa tanong niya. Lumingon ako sakanya at tinaasan ko siya ng kilay. Kailan pa 'to naging chismoso?

"Alam mo bang hinintay kita? Alam mo bang hindi ako nakatulog ng maayos?"

I smirked. May gusto ba siyang sabihin?

Bumaba ako ulit at nilapitan ko siya. Mukhang ready to go na siya para umalis.

"I didn't tell you to wait. Sinabihan na kita bago ako umalis, diba? Di ko na kasalanan na naghintay ka." sagot ko.

Mas lalong bumusangot yung mukha niya. Yung totoo? May balak bang makipag-away nitong lalake na 'to?

"You should have told me, Jiyeon. Hindi ka lang nag-iisa na nakatira sa bahay na 'to. Kasama mo ako. Oo, sinabi mong wag na kong maghintay pero masisisi mo ba ako? I'm just worried. Hindi ko alam baka napano ka na. Dapat tinext mo ko kung nasaan ka."

"Hindi 'yon kailangan, okay? I'm fine. Walang nangyari sakin. Nagpunta lang ako kila LJoe."

"Yun nga e. Nagpunta ka sa dorm nila. Hindi ka ba nag-iisip? Paano kung may nakakita sayo?"

This time ako naman ang kumunot ang noo. Hindi ko gusto 'tong mga sinasabi niya.

"Gaya nga ng sabi ko, hindi mo kailangan mag-alala. Safe. Walang nakakita sakin. Kung ang career mo ang inaalala mo, don't worry I'm doing my best not to be caught." Lumapit ako sakanya para pabirong tapikin yung pisngi niya habang nakangiti ako kahit na gusto ko na siyang kalmutin para tigilan na niya 'tong pag-iinterrogate sakin dahil gusto ko nang umakyat sa kwarto ko.

Bago ko pa mababa yung kamay ko hinawakan niya naman 'to nang mahigpit.

"What are you doing?" inis kong sabi. "Hey, let go!"

"Hindi mo man lang ba naisip na may mag-aalala sayo?"

Nakakainis na 'to ha. I glared at him. Hindi ba siya marunong umintindi? Ang aga-aga para mag-away kaming dalawa! Wala ako sa mood! May atraso pa siya sakin!

"Kim Myungsoo, let me go. Ayokong makipag-usap sayo. Don't you get it?"

I saw something in his eyes pero binaliwala ko lang 'yon.

"Kaya ba sa kung sino ka na lang sumama? Kaya ba kasama mong natulog ang lalake na 'yon?"

I tried to get my hand na hawak niya pero I cant. Masyado siyang malakas compared sakin.

"Stop this nonsense! Anong kung sino lang? Hindi mo ba ko narinig? Si LJoe ang kasama ko! Hindi lang siya kung sino! Boyfriend ko siya!"

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napangiwi na ko. Mukhang nakahalata naman siya dahil binitawan na niya yung kamay ko.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Kde žijí příběhy. Začni objevovat