TGR#13

1K 60 10
                                    

A/n: credits to the owner of the photo in the multimedia 

Jiyeon's POV

Kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sakin pero dahil antok na antok pa ko hindi ko pa rin dinidilat ang mga mata ko. Madaling araw na ko nakabalik masyado akong nag-enjoy kasama si LJoe e. Buti na lang talaga at tulog na si Myungsoo nung umuwi ako at buti na lang at walang umaaligid na mga fans that time. Patay ako este kami pag nagkataon.

"Wow, she is still sleeping huh? Anong oras ka ba umuwi kagabi ha, Park Jiyeon?"

I know that voice. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at kahit blurred kitang kita ko ang lalakeng nakatayo sa gilid ng kama ko habang hawak-hawak ang camera niya na parang kinukuhanan ako--wtf anooooo?!!! Bigla akong napaupo sa kama ko at niyakap ko yung kumot ko habang nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sakanya.

"Finally, you're awake. Good morning," he said while smirking and then napapikit ako nang biglang may flash ng camera.

I blinked twice bago ko siya titigan ulit. "Bakit ka nandito sa kwarto KO?"

Bigla siyang umupo sa gilid ng kama ko at itinukod ang kamay niya tapos bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin kaya bigla naman akong nakaramdam nang pagkailang.

"H-hoy ang lapit mo naman ata masyado.."

"What is wrong about that? Mag-asawa naman tayo." Halata sa boses niyang gusto niya  kong bwisitin. "Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" tapos pinasadahan niya ko ng tingin tapos bigla siyang ngumisi ewan ko ba pero bigla akong namula mas lalo ko tuloy niyakap yung kumot ko.

"There's no camera here, umayos ka nga.."

Imbis na umayos siya mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sakin kaya napadausdos yung ulo ko sa headboard at napahiga ako ulit.

"Ganda mo pala pag bagong gising. You look like an angel," napapikit ako nang bigla niyang haplusin ang mukha ko. 

Ano bang nakain nitong lalake na 'to at parang nakashabu siya?! Kung anu-ano ang sinasabi kitang ang aga aga pa!

"Haha, ang aga pa para mag-asaran tayo ha. Umayos ka nga," sabi ko sabay tulak sakanya at saka ako tumayo paalis sa kama. 

Tumakbo ako papasok ng banyo at ewan ko ba bigla akong napahawak sa may dibdib ko. My heart is beating faster. What the heck... mali 'to diba? Pakingshet naman kasi si Myungsoo e! Ugh!

---

"Bakit ang tabang nung kape ko?"

"Ahhhhh!"  Nagulat ako kasi biglang tumabi sakin si Myungsoo dito sa may sink. "Bat ka ba nanggugulat?" inis kong sabi nang humarap ako sakanya.

"Ha? Anong nanggugulat? Tinabihan lang naman kita." 

I glared at him. "Aish! Wag ka kasi biglang sumusulpot!"

Tinignan niya lang ako na parang hindi niya magets yung sinasabi ko.

Nagbuntong hininga na lang ako at kinuha ko yung cup ko at pumunta ako sa may living room at binuksan na lang yung tv. I need to divert my attention. Nakakainis!

Anong klaseng reaksyon yon ha, Park Jiyeon? Ang oa mo! Di ka naman nga ginugulat nung tao. 

---

Pagkabihis ko nagstay muna ako sa may living room, naiwan akong mag-isa kasi may schedule ang Infinite ngayon sa Music Bank ako maya-maya pa. Wala naman kaming naka-schedule na performance magppractice lang kami nila Eunjung unnie we are preparing for our comeback kasi next month.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now