TGR#47

614 27 11
                                    


Myungsoo's POV

"Marry me."


Nakatitig lang ako sakanya. Traffic naman kaya okay lang. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Jiyeon.


Alam kong parang ang bilis but can you blame me?


Si Jiyeon lang ang nakikita kong makakasama ko sa darating na panahon. She is the only girl I want to be my wife. She is the only girl that I want to be the mother of my children. She is the only girl that I want to grow old with.


"M-Myung. H-hindi magandang biro 'yan," she averted her gaze at me.


Inaasahan ko na ang reaksyon niyang 'yan. Nagdrive na ko ulit dahil umandar naman na yung kotse sa harapan namin.


Tumawa ako. "Haha, sorry, nagppractice lang." Pagsisinungaling ko.


"You don't need to do that, Myung. We are still young for that."


She has a point.


Ano nga bang iniisip ko at sinabi ko 'yon?


Natatakot ba ko na mawala sakin si Jiyeon kaya ganun?


Dahil ba alam ko na hindi magiging madali para saming dalawa ang lahat dahil sa ginawa ng kuya ko sa ate niya?


Inaamin ko, natatakot ako. Natatakot ako dahil alam kong mas pipiliin ni Jiyeon ang pamilya niya. Mahal na mahal niya ang pamilya niya alam ko 'yon at wala ako sa posisyon para magalit sakanya kung gawin man niya 'yon dahil boyfriend niya lang naman ako.


Ganito pala kahirap yung nagtatago no?


Alam kong kaya umalis si Jiyeon kanina habang sinusubukan kong kunin yung rilakkuma dahil napansin niyang may kumukuha na ng litrato. May nakapansin na saming dalawa. At natatakot siya na malaman ng iba na may relasyon kami.


Paano kaya nakayanan ni LJoe ang itago ang relasyon nila ni Jiyeon dati sa loob ng matagal na panahon? Ngayon pa nga lang na three months pa lang kami nahihirapan na ko.


Gusto ko nang ipagsigawan na KAMI NA NI JIYEON! SHE IS MINE!


Gusto ko nang malaman ng lahat na siya ang babaeng mahal ko. SHE IS THE ONLY GIRL I LOVE RIGHT NOW AND I WILL LOVE FOR THE REST OF MY LIFE.


Because I'm so proud of her. I feel so lucky, so blessed and so thankful because I have a girlfriend like her.


Pero paano ko magagawa 'yon?


Paano? E parang buong mundo ata ang may ayaw sa relasyon naming dalawa.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora