TGR#11

978 57 2
                                    


Jiyeon's POV

"Bakit ka ganyan makatingin?" I rolled my eyes nang makita ko si Myungsoo na parang nagpipigil ng tawa. Hinila ko yung upuan sa tapat ng lamesa at saka ko dinukdok yung ulo ko.

"What happened to you? You look like a zombie." Narinig kong sabi niya habang tumatawa.

Inangat ko yung ulo ko saka ko siya tinignan nang masama. Kapal ng mukha nitong sabihan ako na mukhang zombie at pagtawanan! Kasalanan niya 'to! It's his fault kung bakit nangingitim ang ilalim ng mga mata ko! Bwisit siya! Bwisit siya! Hindi ako nakatulog kakaisip kung gaano kalambot yung labi—este kung gaano siya kaadik kagabi! Ugh! Naiinis pa rin ako! Paano niya nagawa na halikan ako ulit?! I glared at him for the last time at saka ko binagsak ulit yung ulo ko sa may lamesa.

"You didn't sleep?"

"Sa tingin mo?"

"Let me guess why..." sabi niya. Halata sa boses niya na balak niya kong asarin.

Inangat ko ulit yung ulo ko at saka ko siya tinitigan. I smirked, di ako papatalo sa lalake na 'to. "Then why, Mr. Kim Myungsoo? Alam mo kung bakit ako di nakatulog?"

Just like me ngumisi rin siya nang pang-asar. Shit na 'yan! Bakit ang gwapo niya lalo pag naka-smirk? Nakaka—wait! No, hindi siya gwapo. Nakakainis siya! Ang panget niya!

"Because of the kiss that we shared last night." Proud niyang sabi.

Napanganga naman ako. What the hell?! Ganun ba talaga ka-obvious na apektado ako sa nangyari kagabi? Napaiwas tuloy ako ng tingin sakanya at napakagat sa labi ko. I heard him chuckle, ugh damn it!

***

"Oh my god, Jiyeon! What happened to you? Bakit ang laki ng eye bags mo?" Umupo ako agad sa harap ng salamin dito sa dressing room ng building na venue ng photoshoot naming ni Myungsoo para sa We Got Married for the poster.

I closed my eyes at saka ako nagbuntong-hininga. "Unnie, just cover it up. Hindi ako nakatulog kagabi."

"And why? Wag mong sabihin na..." napangiwi ako nang makita ko ang nakakalokong ngiti sa itsura ni Sarrah unnie. I pouted. Hindi niyo alam isa rin siya sa mga shipper namin ni Myungsoo. Yeah, you can say na nung nalaman niya na si Myungsoo ang magiging kapartner ko sa We Got Married she even celebrated it in her unit with her co-friends who ship me with that Myungsoo, she invited me pero hindi ako nagpunta.

"Unnie! Can you stop? I hate that jerk! Ugh!"

She started to fix my hair kaya komportable lang ako sa paglalaro ng cellphone ko. I tried texting LJoe pero hindi siya sumasagot. Maybe he is still asleep? Galit kaya siya sakin kasi hindi ako nagpunta? Hay kainis naman kasi!

After almost one hour I'm already ready. Hindi rin biro yung pagmemake-up sakin ni Sarrah unnie, if you didn't know. Tiyagaan lang talaga.

Lumabas na ko ng dressing room at naglakad papunta sa kwarto kung saan kami kukuhanan ni Myungsoo. I heard earlier na inumpisahan na siyang kuhanan. Tutal naman ay hindi na niya kailangan ng make-up because he is naturally handsome—oh shit, what the hell did I say again? Ugh, nevermind.

Nakapasok na ko sa room at lahat sila tutok na tutok sakanya. I just rolled my eyes nang makita kong karamihan sa mga babaeng staff dito ay tuwang-tuwa sakanya, mga nakalabas ang kanilang cellphone, camera, tablet etc. kasi kinukuhanan nila si Myungsoo na todo pose naman.

"Miss Jiyeon? Andyan ka na pala." Napatingin ako sa nagsalita at bigla naman akong kinabahan nang makita ko si Mr. Gamboa sa tabi ko kasama yung anak niya na nameet namin last time sa restaurant.

"G-good morning po, Mr. Gamboa." Nakayuko kong sabi.

"Magandang umaga. You look so beautiful today." Bigla naman akong napaangat ng ulo ko dahil sa sinabi ni Mr. Gamboa. Sanay akong nasasabihan ng maganda kaya wala ng kaso sakin 'yon ngayon.

"T-thank you po."

Napatingin naman ako sa teenager na katabi ni Mr. Gamboa. If I'm not wrong this is Michiko? Mr. Gamboa's precious daughter, balita ko mahal na mahal ni Mr. Gamboa ang batang 'to. And balita ko rin isa rin siya sa mga fans naming dalawa ni Myungsoo. Yeah, isa rin siyang MyungYeon shipper.

Lumapit ako sakanya at yumuko para magkatapat ang mukha namin. I smiled before holding one of her hands. "Good morning, Michiko."

She smiled back. "Good morning, Jiyeon unnie! Ang ganda mo po lalo ngayon! Gosh, maiinggit sakin yung mga friends kop ag nagkaselfie tayo ngayon. Can we? Can we?"

Nakakatuwa naman 'tong batang 'to. I smiled again. "Sure." Sagot ko sabay tabi sakanya. Kinuha niya yung cellphone niya at may tinawag si Mr. Gamboa na isang staff para kuhanan kami ng picture. May picture pa nga na kasama namin si Mr. Gamboa and he is smiling, not that kind of smile na pinapakita niya palagi samin na makakaramdam ka ng takot pero yung ngiti niya ngayon is para bang sobrang saya niya. Maybe because he is happy for her daughter.

"Is that enough, Michiko?" I asked her.

She nodded her head with a smile. Ang sarap sa pakiramdam na napapangiti ko siya. Someone told me na may malubhang sakit 'tong si Michiko kaya di na ko nagtaka kung bakit sobrang mahal na mahal siya ni Mr. Gamboa at ginagawa niya ang lahat para mapasaya 'to.

"What's happening here? Can I join?"

Tinignan ko yung pinanggalingan ng boses and I don't know what happened to me because for a while napanganga ako. Para bang nakakita ako ng isang pagkagwapo-gwapong anghel sa harapan ko.

"Jiyeon unnie." Napakurap ako nang maramdaman kong kinakalabit ako ni Michiko. Tumingin ako sakanya and I saw a teasing smile on her face kaya bigla naman akong napaiwas ng tingin. But fudge, wrong move because kay Myungsoo tuloy ako napatingin and I am speechless again.

"Good morning, Mr. Gamboa. Thank you for visiting us." Myungsoo said pagkatapos niyang inumin yung isang bote ng mineral water. It seems like he really got tired.

"No problem, iho. Eto kasing si Michiko nag-aya na pumunta thankfully at hindi naman ganun kabusy ang schedule ko." Sabi naman ni Mr. Gamboa.

"We are glad that you are here, Sir." Nagulat naman ako nang bigla akong hatakin ni Myungsoo sa tabi niya at inakbayan ako. Tumingin ako sakanya pero nakatingin naman siya kila Mr. Gamboa at kay Michiko na kinukuhanan kami ng pictures...

"Jiyeon, It's your turn!" Sabi nung photographer kaya napalingon ako kung nasaan siya. Thank goodness at nagkaroon ako ng dahilan para makaalis sa pagkaka-akbay sakin ni Myungsoo.

"Mr. Gamboa, Michiko, maiwan ko po muna kayo." Nakangiti kong sabi sabay alis ng akbay ni Myungsoo sakin kaya napatingin siya sakin. The boss is here so I need to act. "Hubby, I need to go." I said with my malambing voice, ugh this is so ew. Ginagamit ko lang 'to kapag nilalambing ko si LJoe e. Hindi ko naisip na magagamit ko 'to para kay Myungsoo!

Bigla namang nagflashback sakin yung pag-uusap namin nila Mr. Gamboa noon.

"You need to act sweet when my daughter is in front of you."

I gulped. Tumingin ako kay Myungsoo na nasa tabi ko na cool lang ang itsura. Shiz, siguro gustong gusto niya 'yon. If I know, type niya ko! But me? No way! Hindi ko kayang imaginin ang sarili ko na sweet sakanya. No, never!

"You need to do that if you still want to stay in being an idol." I gulped again dahil sa sinabi ni Mr. Gamboa, bigla akong kinilabutan dahil sa sobrang seryoso niyang boses. Parang di siya mag-aatubili sa sinabi niya pag hindi siya natuwa sa gagawin naming ni Myungsoo.

"Do I make myself clear, Miss Park Jiyeon and Mr. Kim Myungsoo?"

Awtomatikong napatango naman ako dahil sa takot. Ugh! I hate this! Bakit kasi sa dinami-rami ng pwedeng makapartner ko pa sa We Got Married bakit si Kim Myungsoo pa?!

Oo, I'm scared kaya kahit ayaw kong gawin kailangan because nakasalalay ang career ko dito! Isasantabi ko muna ang personal kong pagkamuhi sa mga Kim. Isasantabi ko muna yung mga nangyari sa nakaraan kay Ate Jinya.

Speaking of her... matagal na kaming di nakakapag-usap. Masaya kaya siya sa asawa niya ngayon?




They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now