TGR#22

891 49 21
                                    

A/n: credits to the owner of the gif used in the multimedia. :)

Jiyeon's POV

"Bakit ikaw ang sumundo sakin?" tanong ko dito sa katabi ko na cool na cool sa pagdadrive niya at talagang may background music pa.

"Are you expecting Myungsoo to fetch you?" napairap ako nang makita kong umangat ang sulok ng labi niya. 

"Asa. It's good that you are the one who fetch me, baka mabwisit lang ako pag siya." Sabi ko at tumingin na ko sa may bintana. Sinandal ko yung ulo ko at pumikit. Medyo napagod ako ngayong araw, nakakapagod pala mainis sa Myungsoo na 'yon.

"Weh? Totoo ba?"

"I'm tired, Hoya. Wala akong time makipag-asaran, okay? And besides, until now I'm still pissed with him. How dare he side with that bitch instead of me..." sagot ko habang nakapikit pa din.

"Tinetext ka daw niya hindi ka naman daw nagrereply. Pag tumatawag naman daw siya di mo siya sinasagot." 

I opened my eyes and look at Hoya with an amused smile in my face.

"Really? Nagtataka siya bakit?" I chuckled. "Hindi ko alam na may pagkashunga pala si Kim Myungsoo. Does his fangirls know that he is stupid?" inis kong dagdag at umayos na ko ng upo at tumingin sa harap.

"Mukhang until now inis ka pa din sakanya." Sabi ni Hoya.

Yeah, right! Inis na inis pa din ako sakanya at mas naiinis ako kasi hindi siya ang sumundo sakin! Aba wala ba siyang balak na suyuin ako? Ugh! Jiyeon, pull yourself together! Hindi mo dapat sinasayang ang oras mo sa lalakeng 'yon. Ano naman kung di ka niya sinusuyo, diba? Hindi naman siya kawalan!

"Wait. Bakit tayo huminto? I'm not hungry," sabi ko nang nakita ko kung saan kami huminto. "Gusto ko na lang umuwi."

Hindi ata ako narinig nitong si Hoya, bigla kasing lumabas at pumunta sa may gilid at pinagbuksan ako ng pinto.

Tinignan ko yung kamay niyang nakalahad at tumingin ako sakanya after. "Ano 'to, Hoya? Hindi sabi ako gutom." He shrugged and then he ignored me, hinawakan niya yung kamay ko at inalalayan ako sa pagbaba. "Hey, hindi mo ba ko naririnig?" hindi niya kasi ako pinansin at hinatak niya lang ako wala naman na kong nagawa at sumunod na lang ako sakanya.

"Good evening, Sir. Do you have a reservation?" tanong nung waiter na sumalubong samin pagkapasok namin sa loob ng restaurant. I glanced at the clock na nasa may itaas at nakita kong mag-9pm na pala. Pero bakit walang mga customers? Maaga pa ah.

"Lee Howon." Sagot ni Hoya habang nakahawak pa din sa kamay ko. For the whole time pakurap-kurap lang ako at nakasunod lang sakanya, hindi naman kasi ako makakaalis kasi nga he is holding my hand.

We stopped in front of a big door nasa likod ako ni Hoya and he let go of my hand already. 

"Hoya, I'm not hungry so let's go at iha--" nanlaki ang mga mata ko nang bumukas yung malaking pinto. W-why is he here? "M-myungsoo..." mahina kong sabi.

What's happening? Akala ko kakain kami ni Hoya! Bakit nandito si Myungsoo?!

Humarap sakin si Hoya at hinawakan niya ako sa may balikat and he smiled. "My job is done here, milady." Nakatingin lang ako sakanya at napakamot siya sa may likod ng ulo niya siguro nagets niya yung gusto kong sabihin "Sorry na, napag-utusan lang. Wag kang magagalit sakin ha, Park Jiyeon?" pacute niyang sabi.

I glared at him. "Iiwan mo ko kasama siya?!"

He nodded.

"What? Are you kidding me? Alam mong inis pa din ako sakanya!"

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon