TGR#15

847 60 8
                                    

Jiyeon's POV

Nandito lang ako sa isang gilid ng lamesa pinagmamasdan sila Haru at Hara habang sinusubuan sila ni Myungsoo. I don't know why pero cute na cute ako sakanilang tatlo para silang mga mag-daddy. Gusto ko sana subuan si Haru kaya lang baka umiyak na naman, natatakot na tuloy ako saka nakakahiya sabihin pa nang mga makakapanood ng episode na 'to pati bata inaaway ko. 

Biglang nag-ring yung cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Kumunot ang noo ko, bakit tumatawag si Manager Sehun sakin? I picked up my cellphone tapos umalis muna ako sa kinauupuan ko.

"Manager, napatawag ka?" 

"Jiyeon, after ng shooting niyo pumunta ka dito sa MBK. May mahalagang sasabihin si CEO."

Hmm? Ano naman kaya 'yon?

"Naiintindihan mo ba? Wag mong kakalimutan ha!"

"Yes, manager. Bye bye."

I clicked the end call button tapos tumalikod na ko. "Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko nang tumama ako sa matigas na bagay. Nang iangat ko ang ulo ko  nakita ko si Myungsoo.

"Aray ko naman. Di ka man lang ba magsosorry?" inis kong sabi habang nakahawak sa may noo ko.

"Sorry. Masakit ba?" 

I smiled sarcastically. "Di naman. Ang lambot nga nung tumama sakin e. Paano sasakit? Taba naman yung tumama sa noo ko."

Nakita kong bumusangot bigla yung mukha niya.

"Why? Naasar ka ba? Haha!" pang-iinis ko. 

"Anong sinabi mo?"

Kumurap kurap ako. "Sabi ko di naman ako nasaktan. Wala ka namang abs kaya no worries."

"Gusto mo bang pakitaan kita?" Wow, ang seryoso ng boses niya ha. Yung totoo? Pikon ba 'to?

At dahil trip ko siyang asarin, ipagpapatuloy ko 'tong ginagawa ko.

I crossed my arms tapos ngumiti ako ng pang-asar, tinaasan ko rin siya ng isang kilay. 

"The question is... may ipapakita ka ba?" panghahamon ko.

Kinilabutan ako nang bigla siyang ngumisi. Putek naman na ngisi yan o! 

"I'll show you the proof." 

Tapos bigla niya kong hinatak papasok sa isang kwarto.

Oh my god! Seryoso ba siya?! Nakikipag-asaran lang naman ako!

"Hoy! Anong sa tingin mo ginagawa mo?! Bakit mo tinatanggal ang butones ng polo shirt mo?!" sigaw ko. 

"Ayoko sa lahat yung minamaliit ako e. Papakita ko lang sayo hinahanap mo." He said that while still smirking. Damn it! Bat ang gwapo niya!

Shet naman o! I'm just kidding awhile ago! Di ko naman gustong makita yung abs niya kung meron man siya!

"Stop it, Kim Myungsoo! Adik ka ba?! Naka-on cam tayo! Baliw! Sila Haru at Hara baka hinahanap ka na!" 

"Chill, walang camera dito. Sinabi sakin ni Mr. Joey kanina saka kung sila Haru at Hara ang inaalala mo nanonood lang sila ng cartoons sa kwarto nila."

Nanlaki naman ang mga mata ko. What the fudge! Itutuloy ba niya talaga?! Buti na lang at walang camera dito walang makakakita sa abs niya kundi ako lang. Shet, anong sinabi ko?!!

Ayan na, shet! Tatlong butones na lang! Kainis naman 'to o! Jusko bakit nagpapawis mga kamay ko pati pakiramdam ko nag-iinit magkabilang pisngi ko?! Di naman 'to yung first time na makakakita ako ng abs if ever! 

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now