TGR#4

1.2K 75 8
                                    

Jiyeon's POV

"Jiyeon, wake up! Malelate ka na oh!"

Kanina pa may nagyuyugyog sa balikat ko pero di ko pinapansin. Kinuha ko lang yung isang unan ko pa at tinakip sa mukha ko para di ko marinig yung boses nang kung sino man na nanggigising sakin.

"PARK JIYEON!"

Napatayo ako bigla. Parang bigla akong nagising dahil sa sigaw. Inis akong napakamot sa ulo ko habang nakanguso habang nakatingin kay Hyomin unnie na may hawak ng megaphone.

"YAH! UNNIE! BAKIT MO TINAPAT SA TENGA KO 'YAN?!" Inis kong sabi.

Pinandilatan niya ko ng mata kaya para akong maamong tupa na biglang ngumiti at pumunghay ng mata.

"Hehehe, sorry unnie. Di ko po sadya na pagtaasan ka ng boses." At saka ako nagpeace sign.

Napahawak sa may noo niya si Hyomin unnie habang iiling-iling.

"Tama na pagpapacute, Jiyeon. Gumayak ka na, magagalit na naman sayo si manager eh!"

Sinuot ko na yung favorite kong slippers. Lumakad ako papunta dun sa body mirror na nasa kwarto ko at sinuklayan ko yung buhok ko with my two hands.

Humarap ako ulit kay Hyomin unnie.

"Ha? Bakit? Akala ko wala na tayong schedule?"

For the second time, napa-facepalm si Hyomin unnie kaya biglang kumunot ang noo ko at napanguso na naman ako. May nasabi na naman ba kong mali?

"Ahehe, may nakakalimutan ba ko?" mahina kong sabi.

"YAH! PARK JIYEON! STOP PLAYING AROUND! GUMAYAK KA NA!"

Mas mabilis pa ko kay Flash na tumakbo papasok sa CR ng kwarto ko. I can't stop laughing pagkasara na pagkasara ng pintuan, napahawak ako sa tiyan ko habang napadausdos na ko kaya napaupo na ko.

Hyomin unnie is so cute when she is pissed. Hahahahaha!

Pagkaligo ko, nagbihis ako agad at bumaba ako para kumain sa may kitchen nitong apartment namin. Nakita kong nasa may lababo si Boram unnie at nag-uurong while Qri unnie is making pancakes tapos si Soyeon unnie naman nagpprepare ng hot chocolate.

Bago ako tumuloy sa may lamesa, sinuot ko muna yung boots ko. Tapos mabilis akong naglakad papunta sa may lamesa kukuha sana ako ng tinapay para kainin pero biglang tinapik ni Hyomin unnie ang kamay ko.

"Ouch. What is that for, unnie?" nakanguso kong sabi habang nakahawak ako sa kamay ko na tinapik niya.

"Wag ka na kumain dito." Tumayo siya at hinila ako papunta sa may front door. Binuksan niya yung pintuan at hinatak ako palabas tapos pumasok siya ulit. "You need to go. Nasa baba na si manager. Bye!" at sinara niya na yung pinto.

Sinubukan kong buksan yung pintuan pero nilock na ata. Ugh!

"Unnie! Buksan niyo 'tong pinto pls! Gutom na gutom na kooooooo!" pagsusumigaw ko habang pinapalo yung pinto.

Biglang nagring yung cellphone ko kaya nakapout ako na tinignan kung sino ang tumatawag.

"JIYEON! NASAN KA NA BA?! ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA?!"

Nailayo ko agad sa may tenga ko yung cellphone ko. Yung totoo? Bakit hilig ng mga tao na magsisigaw ngayon eh ang aga aga pa lang. Tss.

"I'm going down." Tapos inend ko na yung tawag at pinasok an sa bulsa ng jacket ko.

—-

Mas lalo akong nabadtrip nang matanaw ko si Myungsoo na nandun sa may isang lamesa at nakatingin sa cellphone niya. Seryoso ba? Gumising ako para samahan siya kumain dito?

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now