TGR#44

649 30 13
                                    

Jiyeon's POV


"Thank you, Sheena. Sobra kaming nabusog sa niluto mo. What is that again?" nakahawak ako sa kamay ni Sheena habang palabas kami ng bahay nila.


"Adobo po. Madali lang po siyang lutuin. Kayang kaya mo, Miss Jiyeon!" nakangiti niyang sabi.


"Haha, salamat. I will try."


"You really should, Ji. Kailangan ipagluto mo ko ng adobo pagbalik natin sa Seoul." Sabi ni Myungsoo na katabi ko.


Siniko ko siya. "Wish me luck. Alam mo namang ramen lang kaya kong lutuin."


Napatingin naman ako kay Sheena kasi bigla siyang tumawa.


"Ang cute niyo lang pong tignan, Miss Jiyeon. Matutuwa mga kaibigan kong myungyeon shipper kung nandito sila. Siguro hinimatay na yung mga 'yon sa kilig."


Napangiti naman ako. "I can see that. Wala pa tayong picture together, diba? You don't want proof to show them na nakasama mo kami?"


I giggled when I saw her eyes twinkling.


Pumasok kami ulit sa loob ng bahay. Tinawag ni Sheena yung mga kapatid niya. I'm holding Drea while Myungsoo is holding Drei, nasa gitna si Sheena habang yung isa niyang kapatid yung nagpicture samin.


"Thank you for this, Miss Jiyeon and Mr. Myungsoo! Fighting! Aantayin ko yung drama niyo together." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Sheena.


"Thanks, Sheena. Aasahan namin ang suporta mo," sabi ni Myungsoo after niyang isuot ulit yung cap niya tapos sinuotan naman niya ko ng cap ko.


"See you at the hotel. Thanks for the delicious adobo." I hugged her bago ako sumakay sa kotse.


I waved goodbye to Sheena and to her siblings hanggang sa makalayo na kami. Pinagmasdan ko yung pictures namin dito sa iPhone ko. I can't help but to smile. Ang sarap talaga sa pakiramdam na malaman mong may mga tao pa ding humahanga at sumusuporta sayo.


"You looked so happy, Ji. It's a good thing na nakita natin si Sheena sa daan."


I nodded. "I'm really glad that I met her, Myung. So, saan na tayo next?"


"Michiko called me pinababalik niya tayo sa hotel. May papakita daw siya sating dalawa."


"Hmm, ano naman kaya yun?" sabi ko habang nakatingin sa mga dinadaanan namin.


Nang makarating kami sa hotel, sinalubong kami ni Michiko. Kakagaling niya lang ata sa pool.


"Unnie, oppa! Saan po kayo nagpunta?" pag-uusisa niya.


Umupo muna kami sa may lounge, dinalhan kami nung hotel staffs ng cakes at milk shakes saktong sakto para sa mainit na panahon.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now