TGR#5

1.3K 75 16
                                    

Michiko's POV

Mabilis akong gumayak dahil sabi ni daddy kakain daw kami dun sa restaurant na pagtetapingan nila Myungsoo at Jiyeon. Kyaaaaaaaaaaa! Hindi ako magkanda-ugaga sa pagsuot ng converse shoes ko at pag-aayos ng buhok ko.

"Michiko, ready ka na ba?"

Napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko to see my loving dad.

Tinapos ko yung pagsisintas ng shoes ko at lumapit ako sakanya.

"Yes, daddy! I'm ready to go na poooooo!" masayang masaya kong sabi.

Napanguso ako dahil ginulo ni daddy yung buhok ko. Ang tagal ko kaya 'tong inayos.

"Daddy naman eh!" pagrereklamo ko sabay takbo ko papalapit sa body mirror ko.

Inayos ko ulit yung buhok ko tapos nakita ko na lang si daddy na kita rin sa may salamin. Nakangiti siya pero masasabi mong di talaga siya masaya. Pagkatapos kong ayusin yung buhok ko, lumapit ako sakanya at nginitian ko siya bago ko hawakan yung mga kamay niya.

"Daddy, i'm okay lang po. You don't need to worry about me. As long na nandito ka po kasama ko, i'll be fine." Sana mapangiti ko ng totoo si daddy. Alam ko naman kung ano ang totoong kalagayan ko eh. Alam kong kakaunti na lang na panahon ang natitira sakin. And i'm happy because my daddy is doing his best to make my wishes come true.

"Michiko," napatingkayad ako ng yakapin ako ni daddy. "Mahal na mahal ka ni daddy ha. Always remember that."

Gusto kong umiyak ngayon pero wag na lang. Mas lalong malulungkot si daddy kapag nalaman niya kung ano talagang nararamdaman ko. Kapag nalaman niyang natatakot ako sa bawat araw na parating, sa bawat mga posibilidad na hindi na lang ako magising. At mas natatakot ako dahil baka sa isang iglap na lang, mawala na ko at maiwang mag-isa si daddy.

Yinakap ko rin pabalik si daddy. "Daddy, stop crying. Papanget ka po, sige ka." Pagbibiro ko.

Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Nilayo niya ko sakanya at hinawakan niya ang mukha ko gamit ang mga kamay niya. Pinagmamasdan niya ko na para bang mamaya lang mawawala na ko, na iiwan ko na siya, na hindi na niya ko makikita.

"Daddy," hinawakan ko yung isang kamay niya na nasa pisngi ko. "Tara na po? Nagugutom na po ako eh."

Tinanguan lang ako ni daddy at niyaya na kong bumababa.

—-

Hindi ako makapaniwala. Mas lalong hindi ako makapaniwala ngayon, kasi kagabi napanood ko yung episode 1 ng We Got Married featuring Myungyeon, my oh so favorite ship/love team! Napaiyak nga ako dahil sa tuwa, i can't believe it! Akala ko hanggang sa asa na lang lahat eh, akala ko hanggang fanfictions at pictures na lang silang dalawa na magkakasama. Akala ko hanggang imaginations ko na lang sila.

Pero, with my own two eyes... nakita ko sila na magkasama sa iisang show at ngayon ay nakikita ko sila na kumakain na magkaharap.

THIS IS THE BEST THING EVER!

MyungYeon is real!

Mabilis kong kinuha yung iPhone ko at inopen ko yung twitter ko. I need to shout out my feels! Kyaaaaaaaaaaaaaaaah! I don't know if i can contain it. Baka mahimatay ako dito dahil sa sobrang saya.

"Michiko, bakit ba tumatalon talon ka pa habang nakaupo?"

Napatingin ako kay daddy na nakakunot ang noo.

"Ehehe, kasi naman daddy kinikilig akoooooooooooooooo!"

"Kinikilig saan?" tanong niya.

"Doon oh! See! They are eating breakfast together! Kyaaaaaaaaaaaaa!" sabay palakpak ko at hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Feeling ko nga, malapit nang mapunit yung mukha ko sa kakangiti eh.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now