TGR#27

732 41 8
                                    

Jiyeon's POV

Bakit hindi pa bumababa yung lalakeng 'yon?! Malelate na kami sa guesting namin sa Hello Counselor! Kanina pa ko nakagayak kasi alam kong matagal akong magprepare kaya maaga rin akong gumising. Natapos na ko't lahat hindi pa rin siya bumababa!

Aakyatin ko na nga lang 'yon! Go na go kasi makipag-inuman kagabi sa mga kamiyembro niya e! Buti na lang napilit ko si Sungjong na wag uminom kaya nakipagkwentuhan na lang siya sakin at kumain na lang kami ng kung anu-ano. Hindi ko naman napansin na umiinom na pala 'tong si Myungsoo, huli na nung nakita ko. Lasing na siya! Nagpatulong na lang ako kila Sungjong at Sungyeol sa pagbuhat dito sa lalakeng 'to. 

"Hoy, Kim Myungsoo! Wala ka bang balak bumangon?" sabi ko kasabay ng pagkatok ko sa pintuan niya. Hindi naman pwedeng papasok na lang ako bigla, diba? May manners ako 'no!

Tinignan ko yung wrist watch ko at napaungol ako dahil sa inis. 45 minutes na lang! Bibiyahe pa kami papunta sa station. Bahala na, saka na ako hihingi ng sorry sa pagpasok ng walang permiso! 

"Ha!" napakagat ako sa labi ko. Napakagaling nga naman? Tulog na tulog pa siya! Ibinaba ko muna yung cellphone ko sa may lamesa niya. I glared at this beautiful creature na mahimbing na natutulog. Sana lagi na lang siyang tulog, mukha siyang anghel pag tulog! "Myungsoo," tinapik-tapik ko yung pisngi niya baka sakaling gumising pero wa epek. Ugh.

"Seryoso? Wala ka ba talagang balak gumising?" nakapamewang kong tanong. "Ayaw mo gumising ha? Lagot ka sakin!"

Mabilis akong lumabas ng kwarto niya at bumaba para pumunta sa kusina, kumuha ako ng kawali at sandok. Gigisingin ko siya gamit 'to! Tignan lang natin kung hindi siya magising!

"HOY, KIM MYUNGSOO--" napatigil ako nang makita kong hawak-hawak niya ang cellphone ko. "AHHHH BAT MO HAWAK 'TO?!" binaba ko muna yung mga dala-dala ko at inagaw sakanya. 

Nagkibit siya ng balikat at umalis na sa may kama. Sinundan ko siya ng tingin at napanganga ako nang bigla siyang maghubad ng pang-itaas. Ngiting ngiti naman ang loko nang tumingin siya sakin. 

"Loving the view, sweetheart?" malandi niyang sabi. Oo, malandi siya! Nilalandi niya ako umagang-umaga! Susmaryosep!

I composed myself at iniwas ko ang tingin ko sakanya. "Bilisan mo maligo! Malelate na tayo!" dinig na dinig ko pa yung napakaligaya niyang tawa hanggang sa paglabas ko ng kwarto niya. Bwisit! Isang malanding nilalang talaga 'tong Kim Myungsoo na 'to!

"Hindi ka ba nagugutom, sweetheart?"

Inis akong tumingin sakanya. Hindi ko bet 'yang sweetheart sweetheart na tawag na niya 'yan ha! Walang camera so pwede ba, can he stop acting like I'm his wife? 

"Cut that act, there's no camera here," sabi ko sabay tingin ulit sa may bintana.

"Bakit? Masama bang tawagin kitang sweetheart?" at talagang nilalandian niya talaga yung pagbigkas nung sweetheart!

Napapikit ako. Wag kang papaapekto, Jiyeon! Natural na malandi na 'yang taong 'yan!

"By the way sweetheart, your boyfriend called so sinagot ko wala ka naman kasi para sagutin. Ayaw mong pinaghihintay ang boyfriend mo, diba?"

Kahit ayaw ko na siyang tignan dahil ang gwapo niya lalo pag nagdadrive napatingin ako ulit. Kasi feeling ko may kabwisitan na namang ginawa 'tong lalake na 'to.

"Anong sinabi mo?" 

"Ano bang dapat kong sabihin?" umangat ang isang sulok ng labi niya. "I told him that you are still sleeping beside me. Ang himbing nga ng tulog mo kasi napagod ka kagabi."

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now