TGR#53

492 22 5
                                    




Jiyeon's POV


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko kung nasaan, nung nakapa ko naman na hindi ko maabot kaya umusod pa ko ng kaunti hanggang sa di ko namalayan na dulo na pala ng kama ko 'yon.


"Ouch!" daing ko. Kahit na nakapikit pa ko pilit kong dinidilat ang mga mata ko para tignan kung sino ba 'tong tumatawag sakin. Napadilat ako ng wala sa oras nang makita ko kung sino.


Myunggie is calling...


Oh, shoot! Nakalimutan kong tatawagan ko nga pala siya!


"Myung! Sorry! Nakalimutan kong tawagan ka! Napagod ako sa kakasakay ng rides e!"


"Tss." yun lang ang sagot niya.


Halata namang galit siya, diba?


Tumayo ako at bumalik ako sa kama ko at naupo.


"Myung, sorry na oh."


"Psh."


Suyuan gaming ba kami ngayon?


"I miss you, Myung."


Hindi siya sumagot.


"Akala ko kasi galit ka kaya hindi na kita tinext ulit. Galit ka ba kasi si Hoya oppa ang tinext ko?"


"Wag mo nga siya tawaging oppa!"


Napapikit naman ako sa sigaw niya. Natanggal natitirang antok ko dun ah!


"Kailangan nakasigaw?!" sabi ko.


"Tss."


I sighed. "Myung naman e, hindi mo ba ko namimiss? Mag-aaway lang ba tayo ngayon? Ang laki ng bayad sa pagtawag dito tapos gusto mo mag-away lang tayo? Hindi ba pwedeng patawarin mo na ang cute mong girlfriend? I'm really sorry, okay? Hm?"


Silence. Hindi na naman siya sumasagot.


"I really miss you. Can we save this fight later?"


"C'mon, Myung. Sorry na diba? Itetext na kita lagi. Wag ka na magtampo."


Ah, wala talaga siyang balak kausapin ako?


"Okay, fine. Kung ayaw mong magsalita, bahala ka. Ibababa ko na 'to!"



I heard him growl. "Don't you dare hang up on me! Ako dapat ang sinusuyo dito diba? Ako ang pinagselos. Tss. Talaga nga naman mga babae oh, binabaligtad lagi ang sitwasyon."


"May sinasabi ka ba? Napaka-arte mo kasi. Sinusuyo na kita ayaw mo pa! Nagsorry na ko't lahat ayaw mo pa din! Ano pa bang gusto mong gawin ko? Akala ko namimiss mo din ako, hindi naman pala! I hate you!"


"Sino nagsabing hindi kita namimiss? I will kick his balls."


"You should kick your own balls! Bwisit! Ibababa ko na 'to! Ayaw na kitang kausap!"


Hinihintay kong ibababa niya yung tawag pero lumipas na ang limang minuto pero hindi pa din. Hindi ko naman magawang bababaan siya ng tawag. Parang tanga lang din ako no?


"I miss you. I miss you. I fucking miss you, Jiyeon. I wish you are here with me."


That made me smile. I bit my lower lip to prevent myself from squealing.


They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now