TGR#25

804 40 13
                                    

Jiyeon's POV

Pabagsak akong nahiga sa kama ko. Five days na since nagsimula ako magprepare para sa solo debut ko. And I'm still pissed about it! Nakakainis! Bakit naman ganon yung theme nung album ko?! It's too sexy!!!! I hate it, mas gusto ko yung sakto lang. Yung cool, ganon. Pati yung outfit ko sa mga live performances ko ang sesexy din kulang na lang lumabas ang kaluluwa ko!

I bit my lower lip. Panigurado akong magagalit si LJoe pag nalaman niya 'to!!! What should I do?! Hindi ko naman pwedeng papalitan yung concept sesermunan ako panigurado ng CEO namin! I tried to confront Manager Sehun about it pero siya pa nga lang kinakagalitan na ko. Aish!

Buti na lang at wala kaming shoot ngayon sa We Got Married. Magpapahinga lang ako sandali at aalis ako ulit para pumunta naman sa recording studio. Sobrang busy ko na dahil nga next month solo debut ko na. I'm excited and at the same time I'm so effin nervous!!!

I feel so lonely being alone here in this huge house. Kaya nag-i-stay na lang ako dito sa kwarto ko. I hate to admit it but I miss him... namimiss ko si Myungsoo. Just like me, busy rin siya ngayon I mean sila. Infinite is having their tour around the world right now pero umuuwi din naman sila within the week para makapagpahinga kahit sandali pero hindi naman makoconsider na pahinga yun dahil when Myungsoo returned, dun naman kami nagsshooting para sa We Got Married.

Kaya minsan sa may dorm na lang namin ako kumakain, ang lungkot kaya kumain mag-isa 'no. Buti na nga lang at wala pa namang nagpaparamdam na multo dito. 

"I hate this feeling but I really miss you, damn it..." mahina kong sabi sabay takip ko ng unan sa mukha ko. 

I tried to busy myself with anything possible... naiinis kasi ako mas lumilipas ang araw mas namimiss ko si Myungsoo. Ugh, what the hell is happening to me? Break time namin kaya nandito lang ako at nakaupo habang nakahawak sa cellphone ko. I'm scrolling at my ig feed, napakami na namang tagged pictures sakin kasama si Myungsoo. Mas dumami lalo na at nagkaron na kaming dalawa ng project together. This are real pictures with me and him, hindi na 'to edited.

I glanced at the clock na nasa may itaas. 7pm na pala. Ang bilis ng oras. Two weeks na lang at solo debut ko na. Mas kinakabahan ako. I told LJoe about it, mabuti na lang at naintindihan naman niya kahit naman kasi magalit siya or magwelga wala siyang magagawa. Minsan lumalabas rin kaming dalawa para magdate, lalo na ngayon na walang asungot na pumipigil sakin. Pero yung feeling na kasama ko ang boyfriend ko pero iba ang iniisip ko? Madalas nangyayari 'yon at pakiramdam ko napakasama kong babae!

Biglang nagring yung cellphone ko kaya napatingin ako. Napataas ang kilay ko nang makita ko na unknown number yung tumatawag. Sino 'to? Kakaunti lang naman ang nakakaalam ng number ko ah?

"Hello? Park Jiyeon here," bungad ko.

"Omo, she answered! L, your wife is here!! HAHAHAHAHA dude I won!" nailayo ko yung cellphone ko sa may tenga ko nung may marinig akong mga nagtatawanan at nagsisigawan sa kabilang linya. Pero ano daw? L?

"Miss Park Jiyeon, can we have a short video call with you? This is the emcee of your husband's concert right now. I'm Song Il Jook. Gusto lang sana naming makita ka and please give a short message for your husband, Kim Myungsoo."  

Katulad kanina muntik na kong mabingi nang magsigawan na naman yung mga nasa kabilang linya. Ginawa ko yung sinabi niya, I clicked the video call button at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung nasa screen ng cellphone ko. It is true! I can see the stadium full of lightsticks here at gumalaw yung camera at nakita ko ang Infinite na kumakaway sakin and I saw him...

Pakiramdam ko biglang nagtubig yung mata ko nang makita ko ulit siya. 

"Hi, wifey." Ngumiti si Myungsoo at parang walang pakialam sa mga taong tinutulak-tulak siya sa likod at sa mga fans na tumitili. "I miss you..." 

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon