TGR#2

2K 92 21
                                    

Jiyeon's POV

"Jiyeon! Pumasok ka na dito't makaalis na tayo!"

Sinulyapan ko si Manager Sehun. "Sandali lang! Babalik ako!" sigaw ko at pagkatapos ay tumakbo ako pabalik sa building ng Orion Entertainment.

Hindi ako uuwi hangga't di ko natuturuan ng leksyon yung lalake na 'yon. Alam kong labas sa ilong yung sinabi niya kanina. Halatang inaasar niya lang ako, makikita niya hinahanap niya! Grrrr!

Binilisan ko ang takbo pabalik sa office ni Mr. Gamboa. Muntik na kong mapasigaw nang humarang sa daan ko ang lalakeng hinahanap ko.

"What the hell?! Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot?!" napahawak ako sa may dibdib ko. Jusko, aatakihin ako sa puso nito pag nagkataon eh.

Nginisihan niya ako bago lumapit sakin kaya napaatras ako nang isang hakbang.

"Nakakagulat ba kagwapuhan ko?" sabi niya sabay kindat.

Hambog to its finest!

"Kapal mo! Asa ka! Di ka naman gwapo!" sagot ko.

Umangat yung isang sulok ng labi niya. Bakit ba ganito makatingin 'to? Parang nanghihigop ng kaluluwa, bwisit! Pero di ako papatalo sa tingin niya.

"So, hinahanap mo ba ko?" tanong niya.

Paano niya nalaman?

I crossed my arms. "Assuming ka rin 'no?" sabi ko. Kahit na tama naman siya dahil hinahanap ko naman talaga siya, diba?

Naiatras ko yung isa kong paa dahil bigla niyang nilapit yung mukha niya sakin kaya napaatras rin yung ulo ko.

"Your face says yes. So, bakit mo ko hinahanap, miss Park Jiyeon?"

Bago ako sumagot, tinabig ko muna yung mukha niya at umatras ako ng dalawang hakbang. Huminga ako nang malalim bago ko itinaas yung kamao ko.

Bored lang siyang nakatingin sakin.

"I came back here to give you this!" sabay nito ang pagtakbo ko at paglapit sakanya para suntukin siya pero ang loko biglang nakaiwas. Napa-tsk tuloy ako at nagsimula ulit akong tumalon. Hinabol habol ko siya ng suntok pero bwisit ang bilis bilis niya umiwas!

"Hoy! Stop that!" sabi niya habang umiiwas pa rin.

"I'll stop if you stop moving! Come on! Tumigil ka na sa pag-iwas! Isang beses lang naman kitang susuntukin eh!" sagot ko.

"What?! Are you crazy?! Bakit mo ko susuntukin?!"

I stopped. Pinakita ko sakanya ang pang-asar kong ngiti. "No specific reason, jerk. So now... stop moving!" nilakasan ko ang pagsuntok ko pero nahuli niya yung kanang kamay ko yung isang kamay ko naman ang ginalaw ko pero nahuli rin niya. "Yah! Let my hands go!"

"Ano ko tanga? Bakit kita papakawalan? Edi nasuntok mo ko! No way! I'm the visual of my group, hindi pwedeng masugatan o ni magalusan yung mukha ko!"

Pilit kong inaalis yung kamay ko sa pagkakahawak niya. I squinted my nose and i glared at him to the highest level pero wa epek! Nginisihan niya lang ako. Now, i'm mad!

This time, sinipa sipa ko naman siya kaya napapaatras siya napapasama ako sa pag-atras niya because he is still holding my hands. Lagot sakin 'to pag kami natumba—what the fudge, ouch!

"Ouch!" Napahawak ako sa noo ko. At dumilat ako. Maderpaker! What the hell happened?! Dali-dali akong tumayo pero napahiga ako ulit dahil sinipa ako ng loko kaya napaibabaw ako ulit sakanya. "Yah!" Hindi ako magalaw dahil pinulupot niya yung braso niya sa bewang ko. "Bitawan mo ko!"

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora