TGR#30

817 39 17
                                    

Jiyeon's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Nanliliit ang mga mata ko habang nakatingin sa cellphone ko na tumutunog. I clicked the dismiss button at saka ako nagscroll sa cellphone ko. Nawala agad yung antok ko at umupo ako ng maayos bago sumandal sa may headboard ng kama.

I smiled wryly. My phone was bombarded with L.Joe's calls and text messages. Hindi man lang ako nagising sa tunog ng cellphone ko? Ahh, I almost forgot - sinilent ko nga pala 'to. It's already 6:30 AM, may nakasched na shooting kami ngayon sa We got married. I stand up at lumapit ako sa may whole body mirror ko, napangiwi ako nang makita ko how messy I am. 

Mugtong-mugto yung mga mata ko at gulong-gulo naman yung buhok ko. 

"What the hell am I doing? Nababaliw na ba ko?" kausap ko sa sarili ko while I'm looking at myself on the mirror. I look at the wall clock at katabi naman nun yung calendar. "I almost forgot, nangako nga pala kami kay Michiko."

Sandali lang ako gumayak at palabas na sana ako ng kwarto ko nang bumungad sakin ang mukha ni Myungsoo pagkabukas ko ng pintuan. Napakurap ako nang makita ko siya, I bit my lower lip at umiwas ako ng tingin sakanya. Sana hindi niya mapansin na magdamag akong umiyak, maayos naman yung pagkakalagay ko ng make-up, diba?

"H-hi," bati ko sakanya nang ibalik ko na ang tingin ko. "Bakit hindi ka pa nakagayak? Susunduin pa natin si Michiko, diba?" sabi ko after ko siyang tingnan mula ulo hanggang paa. Nahinto ang mga mata ko sa dala-dala niyang tray. "Is that for me?" 

Myungsoo is holding a tray na may glass of milk at one plate that is full of pancakes. 

I smiled. "Uh, you don't need to do that, Myung." 

Hindi niya ko pinansin at nagtuloy-tuloy siya sa kwarto ko. Binaba niya yung tray sa may lamesa. At nagtataka ako dahil nastuck na siya doon. Hindi ko na lang pinansin nang hawakan niya yung cellphone ko. Yeah, kanina pa 'to nagvavibrate pero hindi ko kinukuha.

"Tumatawag si L.Joe." 

"I know."

"Hindi mo sasagutin?" sabi niya sabay pakita sakin ng cellphone ko.

Wala akong balak sagutin yung cellphone ko pero habang nakatingin ako sa mga mata ni Myungsoo bigla bigla na lang kumikilos yung mga kamay ko at kinuha ko mula sakanya yung cellphone ko. 

I sighed before opening the door at lumabas ako.

"What?" walang gana kong sagot.

"Jiyeon? Thank goodness you answered your phone! Baby, I'm sorry... hindi ko sadya yung mga sinabi ko, okay? Please forgive me. I know nasaktan kita pero hindi ko yun gu-"

"I know. But not now, Lee Byunghun. Ayaw muna kitang makausap," then I ended the call.

Babalik na sana ako sa kwarto ko nang pagkatalikod ko si Myungsoo ang bumungad sakin.

"What's wrong?" 

"Ha? Nothing," pagsisinungaling ko. Naglakad na ko ulit kaya lang pinigilan niya ko nang dumaan ako malapit sakanya. I look at him "Hey, sabi ko wala 'yon."

"Jiyeon, you can tell me what's wrong." He assured me. Napaiwas tuloy ako ng tingin.

Pwede bang sabihin ko na dahil sakanya nagkakalabuan kami ni L.Joe? Pwede bang sisihin ko siya sa nangyayari sa relasyon naming dalawa? Hindi naman, diba? Myungsoo proves himself to me already, alam kong wala siyang balak na saktan ako. And I make it clear to him also na magkaibigan lang kami. Kaya, wala akong balak na isali pa siya sa gulo na 'to.

After kong kumain at after naman niyang gumayak, sumakay na rin kami sa kotse para puntahan si Michiko. 

"Smile. Hindi gugustuhin ni Michiko na makitang malungkot ka." He said. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti. 

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon