TGR#18

893 48 8
                                    

A/N: Sunod-sunod talaga yung UDs ko gusto ko kasing bumawi. Hehe, salamat po sa patuloy na mga nagbabasa nito! Sa mga nagbabasa at magbabasa pa. Myungyeon, fighting! <3

I dedicate this chapter to @dukes_duchess28 kasundong-kasundo ko siya sa myungyeon e, hahahaha thank you ate! You made my day. xoxo

Jiyeon's POV

Kanina ko pa gustong sapakin 'tong si Myungsoo. Bakit ba 'to nakangiti nang ganito?! Parang nanalo siya sa lotto kung makangiti e! Siguro feel na feel niyang bwisitin ako. Nakakainis! Pupunta dapat ako sa date namin ni LJoe ngayon!

"Alam mo ang epal mo." Hindi ko na napigilang sabihin.

Tumingin naman siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay bago magsalita.

"Sinadya mong papuntahin yung mga kagrupo mo ngayon 'no?! Para hindi ako matuloy sa date namin ni LJoe!"

Imbis na sagutin ako, tinawanan lang ako. Leche talaga 'to! Napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa inis. Kahit bwisit na bwisit ako sa katabi kong 'to, tumingin na lang ako sa TV at nanood ng Music Core.

Napatingin ako sa may center table kung nasaan yung cellphone ni Myungsoo nang biglang tumunog 'to. Napatingin din naman siya.

"Hyung? Oo. Nandito lang kami ng asawa ko. Hahaha! Dala kayo soju para masaya. Ge, ingat!"

"Soju? May balak kayong mag-inuman?" tanong ko.

"Oo. Masama? Anong kayo? Sasama ka samin."

Dun na ko napatingin sakanya. "Ano ka sira? Bakit ako sasali? Ayoko! Matutulog ako ng maaga. Bahala ka sa mga bisita mo, okay?" sabi ko.

"Tss. Ang KJ mo naman, Jiyeon. Minsan lang 'to. Gusto ka nilang makausap. Wag ka namang magsuplada ngayon, pwede?"

"Ikaw pa may ganang gumanyan? You ruined my day! Nakakainis ka!"

"Babawi ako sayo, okay? Ide-date kita." Sabay ngisi niya.

Aba, ang kapal nito! "Asa namang gusto kitang ka-date! Ugh! I hate you!" sabi ko sabay irap at titig na lang ulit sa TV.

Tinawanan na naman niya ko kaya kinuha ko yung throwpillow sa likod ko at pinaghahampas siya. Napipikon na ko sakanya e! Bakit ba!

"Hey, Jiyeon! Stop it!" umiiwas iwas siya sa pagpalo ko pero di niya magawa. Lumuhod na ko sa may sofa para mapalo ko siya nang maayos. "Bwisit ka! Namumuro ka na sakin! Ano bang ginawa ko sayo para bwisitin mo ko nang ganito ha?!" sabi ko sabay patuloy ko siyang hinahampas.

"Baka mahulog ka oy! Stop it!"

"Ayoko! Dapat sayo hinahampas nang ganito—ahhhhhhhhhhhhhh!"

Ughhhhhh. Napaungol ako dahil pakiramdam ko nahulog ako pero di naman ako nasaktan. Dinilat ko yung mata ko at nakita ko si Myungsoo sa ilalim na nakapikit.

OH MY GOD! Anong nangyari? "Hoy, wake up!" sabay tapik ko sa pisngi niya pero di siya dumidilat. "Kim Myungsoo! Wag mo kong dinadaan sa arte mo, dumilat ka nga!" sabi ko pa pero wala ata siyang naririnig. Bakit? Nabagok ba siya?

Napakagat ako sa labi ko. What should I do? Bigla akong kinabahan, naiiyak tuloy ako. Paano kung nabagok talaga siya? Ako ang may kasalanan? Nooooo! Di 'to pwede!

"Gumising ka! Hoy, bumangon ka! Hindi na kita aawayin, please gumising ka!"

Napatigil ako sa ginagawa ko nang bumukas yung front door. I blinked my eyes twice habang nakatingin lang sa mga pumasok.

"Hi, Jiyeon." Bati ni Sunggyu sakin.

I don't know what to say.

"Nasaan si L? Kanina ko pa tinatawa—whoaaaa!" OA na reaksyon naman ni Woohyun nang mapatingin siya samin. I mean kay Myungsoo na nakahiga at nakadagan ako—what the fudge?!

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Место, где живут истории. Откройте их для себя