EPILOGUE

948 36 16
                                    


Jiyeon's POV

Hingal na hingal ako, hindi ko alam saan ako pupunta. Bakit ba nila ako hinahabol? Hindi pa rin ba nila tanggap? Ayaw pa din nila ba sakin?

Lumingon ako sa likod ko at nang makita kong wala nang nakasunod sakin, naghanap ako ng mauupuan. I wiped the tears out of my face. Kinapa-kapa ko yung bulsa ng coat ko, nasaan yung phone ko? How can I call Myungsoo? Napaiyak ako ulit dahil sa takot.

I know that those people na humahabol sakin ay mga fans na hindi pa rin tanggap ang relasyon namin ni Myungsoo. Akala ko okay na? Akala ko tanggap na nila? Pero ano 'to?

Napatingin ako sa kamay ko, I smiled a little when I saw the ring on my finger. One of the most beautiful rings that I've seen is this one, simple lang naman siya pero when Myungsoo puts it on my finger, it became the most beautiful.

Myungsoo...

I miss him... Nasaan ba siya? How did I get here in this scary place? How could he left me here alone?

Instead of crying, dapat gumawa ako ng paraan para makaalis dito. I stand up at nag-umpisa na ko ulit maglakad. I checked my arms at napangiwi ako nang makitang may mga pasa ako, may sugat din ako sa siko at sa tuhod ko, how can I be so clumsy? Tatakbo na nga lang ako nadadapa pa ko.

If Myungsoo is here, sigurado akong sesermunan ako non. Sasabihin non na, "Ji naman, diba sabi ko mag-iingat ka? You should take good care of yourself more. Hindi naman lahat ng oras lagi tayong magkasama kaya sweetheart try to be more careful, ok?"

Tapos ako naman ngingiti lang at magpapacute sakanya para mawala na yung galit niya sakin.

"Jiyeon."

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ba ko nagkakamali ng dinig? Is that Myungsoo? Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at tumulo na naman yung luha ko nang makita ko ang mukha niya. His angelic face. His killer smile.

"Myungsoo..."

Naglakad ako palapit sakanya, I hugged him once I get in front of him. He hugs me back too kaya mas lalo akong naiyak. Yung inipon kong lakas at tapang bigla na lang nawala when I felt his embrace. I don't need to pretend that I'm alright.

Naghiwalay kami and I smiled while looking at his face. He touches my face with his hands, I gasped nang bumaba yung kamay niya at sinakal niya ko.

"M-Myungsoo... W-what are you doing?"

He didn't answer. He is just smirking while looking at me.

No... This is not him... Hindi ako sasaktan ni Myungsoo...

Pero who is this? He has Myungsoo's face...

"You don't deserve to be happy," sabi ng kamukha ni Myungsoo at mas humihigpit ang pagkakasakal niya sakin.

Inipon ko yung lakas ko para hawakan yung kamay niyang nakahawak sa leeg ko, sinusubukan kong alisin 'to pero hindi ko kaya. Nahihirapan na kong huminga. Unti-unti na kong nawawalan ng lakas. Malapit na rin tuluyang pumikit ang mga mata ko.

Myungsoo would not do this. I don't believe it is him.

"PARK JIYEON!"

I opened my eyes, inikot ko yung tingin ko at nakita ko si Myungsoo sa tabi ko at nakatingin sakin. He looks so worried.

Panaginip lang ba yun?

"Ji, are you okay?" Napapikit ako nang pinunasan niya yung noo ko. "Did you have a nightmare, sweetheart?"

Nakatingin lang ako kay Myungsoo. I'm making sure that this is the real him.

Hindi naman na niya ko sasaktan, diba?

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon