TGR#8

1K 70 25
                                    

Jiyeon's POV

Kanina pa ko di mapakali dito sa kama ko. Anak ng tokwa, nagugutom na ko! I glanced at my alarm clock sa may tabi ng kama ko at napangiwi ako nang makita ko na its already time to eat lunch na pala.

Hindi naman kumakatok yung Myungsoo na 'yon. Hindi ba siya nagugutom?

I don't have a choice. Hindi ako marunong magluto. Baka yung lalake na 'yon marunong naman. How I wish! Baka mabuhay ako dito na puro delivery lang ang kinakain ha!

Sinuot ko yung slippers ko at lumabas ako ng kwarto ko. Kumatok ako sa katapat na kwarto ng kwarto ko which is Myungsoo's bedroom. Tatlong beses na kong kumakatok pero walang nagbubukas. Ano kayang ginagawa ng lalake na 'yon? Tch. TInignan ko kung bukas ba naman yung kwarto by holding the door knob and i was shocked nang bumukas 'to.

I saw Myungsoo sleeping on the black and white bed. Seriously? We have the same taste in color? Lumapit ako sakanya at pinagmasdan ko ang mukha niya. He looks so handsome when he is sleeping, sana forever na lang siyang tulog.

Napakurap ako nang maisip ko kung anong ginagawa ko. Baka mamaya magising pa 'to at mahuli pa ko na tinitignan siya eh. Sabihin pa nito na may hidden desire ako sakanya. Tss.

Nilibot ko na lang ang kwarto niya, binuksan ko yung cabinet at wow ang dami niyang black na damit. Gaya-gaya. Psh. Napatingin ako sa may ibaba nang makita ko yung mga cameras niya. He really loves taking pictures, eh?

"Why are you here?"

"AHHHHHH ANAK KA NG BABOY!"

Humarap ako sakanya at pinandilatan siya ng mata. "Bakit ka ba nanggugulat?!" sabi ko habang nakahawak sa may dibdib ko. Bwisit 'to, buti na lang wala akong sakit sa puso.

"Bakit ka nandito? Hinahanap mo ba cellphone ko?"

Kumunot ang noo ko. Di nga pumasok sa isip ko na hanapin 'yon eh, bakit nga ba di ko yun naisip ko? Aish! Stupid!

"I'm hungry. Make something." Naka-pout kong sabi.

Sinara niya muna yung cabinet niya na binuksan ko tapos humarap siya ulit sakin. "Di ka ba marunong magluto?" umiling-iling ako sa tanong niya. Napakamot siya sa may likod ng ulo niya dahil sa sagot ko. Kasalanan ko bang di ako marunong magluto? Hmp.

"Magpa—" may sasabihin pa sana siya kaya lang bigla siyang naunahan ng tunog nang nagugutom niyang tiyan. Napatakip tuloy ako sa bibig ko habang pinipigilan ko ang tawa. "Tsk." Inis siyang lumabas ng kwarto kaya sumunod na ko.

Halos lahat ng kagamitan talaga dito sa bahay na 'to puro black and white. Ang ganda tignan. I really love black.

"Damn, there's nothing to cook here!"

Narinig ko yung sigaw ni Myungsoo kaya tumakbo ako papunta sa may kusina and i was like oh my god. Wala ngang kalaman-laman ang ref!

"What should we do?" nag-aalala kong tanong.

"Ano pa ba? Edi bumili tayo."

Ay, shet. Di talaga maganda na nagugutom ako. Di gumagana brain cells ko sa pag-iisip.

Nakita kong umakyat siya ulit kaya sinundan ko siya pabalik sa kwarto niya.

"Aalis ka?" tanong ko.

Sinuot niya muna yung cap niyang black bago sumagot. "Aalis tayo. Change your clothes." Utos niya sakin. Napatingin naman ako sa suot ko. Ayos naman ah?

"That's too showy. Magpants ka." Sabi niya habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin. "And wear a shades also."

Dahil gutom ako, di muna ako makikipagtalo sakanya. Nagpalit na ko ng pants at nagtshirt rin ako na black. Walang malisya 'to ha. Karamihan sa damit ko puro black kaya i don't have a choice but to wear this.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now