TGR#14

1K 60 32
                                    

Jiyeon's POV

"Jiyeon, di ka pa ba tapos magbihis? Malelate na tayo!" 

Napakamot naman ako sa may ulo ko. Bakit ba siya nagmamadali?! For petes sake, we still have 30 minutes bago yung call time!

"Wag mo ko madaliin, please! Nagkoconcentrate ako mamili ng damit!" sigaw ko at bumalik na ko sa pagtingin-tingin ng mga damit ko. 

Nagpapakahirap ako mamili pero pare-parehas lang naman 'tong mga damit ko na nasa ibabaw ng kama ko ngayon. Mostly, black pa silang lahat. Anong inaarte ko at hindi ako makapili? Time check, 20 minutes na kong namimili ng susuotin ko! Ugh!

Ano nga ba dahilan ko? Ahh, oo. Because of what happened last night...

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko nang marinig ko ang sunod-sunod na  malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Kahit antok na antok ako at ayokong bumangon napilitan pa rin ako dahil ayaw tumigil nang kung sino man yung nasa labas ng kwarto ko yung pagkatok niya. Hindi ko na inalala pa kung ano ang suot ko at binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ko si Myungsoo habang nakatayo at nakakunot rin ang noo habang nakatingin sakin.

"Problema mo?" sabi ko at saka ako naghikab.

"Kumain ka na ba?" 

Napakurap naman ako sa tanong niya. Concern ba 'to? "Not yet."

"Hoy teka!" Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinatak niya ko palabas ng kwarto hanggang sa makarating kami sa may kusina. Talagang inupo niya pa ko sa may upuan doon at siya naman kumuha ng lalagyanan kasama na doon yung dalawang plato, spoon and fork, baso at juice mula sa ref.

"I bought foods, let's eat. Magkakasakit ka sa ginagawa mo e."

Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya. Pero di pa rin natatanggal yung antok ko kaya I decided to stand up at maghilamos, meron kasing malaking salaminan dito sa may kitchen namin natabi ako kay Myungsoo at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong we are wearing a same shirt. Tapos kitang kita ko pa yung ngiti niya while preparing the food he bought, I don't know why but napangiti ako. Why do I feel so loved?

Ewan ko ba, after kong marealize 'yung naisip ko bigla akong nainis or what at naghilamos na lang ako nang mabilis at bumalik na ko sa kinauupuan ko habang nakasimangot. Nakikita ko namang nababother siya sa itsura ko siguro pero di na lang siya nagtanong. After naming kumain, bago ako umakyat ulit sa kwarto ko may sinabi ako out of nowhere, I know this is rude but hey I'm just making sure.

"Please refrain from doing such things like that. Kaya kong alagaan ang sarili ko."


After so many years nakapili na rin ako ng susuotin ko. Napili kong suotin 'tong gift ni LJoe na sweater at saka black pants na lang siguro naman hindi kami magkakapareha ngayon ni Myungsoo, right? Hopefully...

"Buti naman at natapos ka na magbihis. Hindi mo naman kailangan magpaganda masyado para sakin, wifey." Humahalakhak siya after niyang sabihin 'yon kaya inirapan ko na lang siya at lumabas na ko ng bahay. 

I waited for him to enter the car habang busy ako sa cellphone ko. I texted LJoe a good morning, napangiti naman ako nang sendan niya ko ng morning selfie niya.

"Ganda ng ngiti natin ah? Wag naman ganon, wifey harap-harapan mo kong pinagtataksilan."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Myungsoo na nakapasok na pala sa kotse. Nakakainis talaga yung ngisi niya. Ugh.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon