TGR#20

896 51 3
                                    

Jiyeon's POV

"Like... you are starting to like me."

What the hell? Ano 'tong pinagsasasabi ng lalake na 'to? Ako? I'm starting to like him? BALIW BA SIYA?! I gulped. He is too close! Feeling ko nauubusan ako ng hangin, hindi ako makahinga! Nakatingin lang din ako sakanya.

I tried to push him away pero hinuli niya yung kamay ko at hinawakan. Nasaan ba yung Kim Doyeon na 'yon?! Bakit ngayon hindi siya nakabuntot kay Myungsoo?! Ako tuloy napagtitripan ng lalake na 'to ngayon!

"Come on, Ji. Wala namang masama kung oo, di ba? There's nothing new about that."

Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Ang yabang talaga nito!

"Okay, okay. I surrender. Mukhang galit ka pa din," napakurap ako nang binitawan na niya yung kamay ko. Sinundan ko siya ng tingin habang paakyat siya ng hagdanan.

---

Kanina pa nakakunot 'tong noo ko. Bakit ba kasi wala pa yung mga staffs ng We Got Married?! Bwisit na bwisit ako dito sa mga kasama kong nanonood e. Si Ate Sarah naman biglang umalis tuloy naiwan ako kasama 'tong dalawang Kim na 'to. Ugh!

"Oppa, open your mouth." 

Psh. Sumunod naman 'tong Myungsoo na 'to. Go na go siya sa kalandian nitong pinsan niya or whatsoever. Kanina pa sila magkatabi sa sofa tapos nakalingkis 'tong Doyeon na 'to sa braso ni Myungsoo. Di na nahiya sakin. Hello! Nandito kaya ako? Pero kapag nakikita niya kami ni LJoe na magkasama napaka-epal niya. 

Hinatid ako ni LJoe from our dinner date tapos biglang lumabas si Myungsoo ng bahay. I was hugging LJoe nang bigla niya kong hinila.

"What the? Why did you pull me?!" inis kong sabi nang makapasok na kaming dalawa. Napaka-rude niya!

He just smirked at me.

I rolled my eyes at lumapit ako ulit kay LJoe to give him a kiss on the cheeks. Gaya kanina hinatak ako ulit ni Myungsoo and this time inakbayan niya naman ako.

"Sige na, pre. Umuwi ka na. Ala-una na o." Sabi niya.

"Good night, Jiyeon." Nakangiting sabi ni LJoe at kumaway pa sakin.

Napangiti naman ako. "Night. Ingat sa pagdadrive, Lee Byunghun, okay?" tapos nagflying kiss ako sakanya.

"Tss." Narinig ko naman 'tong katabi ko I just ignored him at kinawayan ko na lang ang boyfriend ko. And for the second time, hinatak na naman niya ako. 

Bastos nito! Hindi pa nga nakakalayo yung kotse ni LJoe e!

Ang kapal ng mukha talaga. Ugh! Pero no way hindi ako tutulad sakanya. Hindi ako magiging bastos, ano namang pakialam ko kung magkadikit na sila ng babae na 'yan, diba? Baka isipin pa niya na nagseselos ako. 

Biglang tumunog yung cellphone ni Myungsoo kaya umalis muna siya. Naiwan tuloy akong kasama 'tong linta na 'to.

"I know you are jealous."

Naiangat ko yung mukha ko para taasan siya ng kilay.

"Excuse me? Are you talking about me?"

She smiled.

"No, I'm not." Sagot ko. "Bakit mo naman nasabi?"

"Obvious. Kanina pa hindi maipinta 'yang mukha mo." Then she laughed.

Assumera 'to! "You are wrong. Naiinis lang ako kasi wala pa yung mga staffs, kanina pa ko naka-ayos and still they are not here. Sayang naman yung make-up ko," pagpapaliwanag ko.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon