TGR#6

1.2K 65 17
                                    

Jiyeon's POV

"So, ang schedule niyo bukas ay pupunta kayo sa address na 'to. Diyan na tayo magkikita-kita."

Nilapit ko yung mukha ko dun sa may tablet kung saan nakalagay yung address ng pagsushootingan namin bukas.

Ibinalik ko yung tingin ko kay PD-nim.

"Ano pong gagawin namin bukas?" pag-uusisa ko. "Coz you know i need to prepare for it."

"Ah, buti na lang pinaalala mo. Pack your things before going there, okay?"

I opened my mouth at pakurap-kurap na nakatingin kay PD-nim.

"Uhh, excuse me po. Tama po ba pagkakarinig ko? Pack our things before going there?"

Tumango-tango lang siya. I gulped at sumandal ako sa upuan ko. Tumingin ako sandali kay Myungsoo na cool lang nakaupo at nakatingin dun sa address.

Teka, parang di ko gusto 'tong papatunguhan nito ah.

"Wow, this house is huge." Narinig kong komento niya.

Mabilis kong hinablot sakanya yung tablet at tinignan ko yung sinasabi niyang bahay.

Shit, shit, shit. Sinasabi ko na nga ba eh! Bakit nga ba hindi ko naisip na titira kami sa iisang bahay?!

"Nagustuhan niyo ba? Diba you prefer black and white colors?"

Nanlulumo kong binaba yung tablet sa lamesa at napahawak ako sa noo ko. Oh my god, this is not happening...

"Jiyeon, are you okay?" tanong ni PD-nim.

Tumingin ako sakanya at ngumiti ng pilit.

"Yes. Don't worry po about me. I'm fine. Hehe."

"Good." Masayang-masaya niyang sabi. "How about you, Myungsoo? Okay na ba 'tong bahay na 'to? Some of your fans called you as 'black couple' so bagay na bagay 'tong bahay na 'to sainyo."

Inis akong napasilip sa lalakeng katabi ko. 

Ugh, bakit kasi sa dinami-dami nang pwede kong makapartner dito sa WGM bakit siya pa?! BAKIT?!

"No worries, PD-nim. Ayos na ayos po sakin 'to. Ewan ko lang po kay Jiyeon."

Napairap ako nang banggitin niya ang name ko.

"Jiyeon, okay na ba 'to?"

Tinignan ko ulit yung picture na nasa tablet. Infairness, maganda siya. Ang gandang tignan dahil black and white ang kulay. Pati sa loob. Favorite colors ko ang black and white eh. Di ko alam na favorite rin pala 'to ni Myungsoo.

"Wala ng problema? See you tomorrow. Don't forget to bring your things ha?"

Kahit ayoko wala naman na kong magagawa. Palagi naming kasama yung secretary ni Mr. Gamboa, palaging nakabuntot samin na dalawa kaya patay ako pag nagreklamo ako.

I smiled. "See you po!"

—-

"Jiyeon ah~ mag-iingat ka dun ha. Maglilinis ka palagi ng bahay niyo. Sarapan mo ang luto para kay Myungsoo. Dapat maging mabuti ka niyang asawa ha?"

Kanina pa ko dinadramahan nitong mga unnie's ko. Naiirita na ko. Kung pwede lang umangal at hindi tumira dun sa bahay na 'yon edi sana ginawa ko na. Nakakainis lang talaga. Lakas makapanakot ni Mr. Gamboa eh.

Zinipper ko na yung luggage ko at kinuha ko naman yung isa ko pang handy bag. Dun ko nilagay yung mga gadgets ko. Mag-ggadgets na lang ako kapag nandoon ako kesa makipag-usap sa lalake na 'yon.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now