TGR#58

428 22 12
                                    


Jiyeon's POV


Maaga akong umakyat sa kwarto ko dahil balak kong bumawi ng tulog. Ayoko naman ng masermonan na naman. Naisip ko rin na wala namang saysay 'tong ginagawa ko, baka mapasama pa ko kapag pinabayaan ko lang ang sarili ko. Sabi nga ni Noori, kailangan kong alagaan ang sarili ko. 


Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinanap ko yung disguise ko. Matagal-tagal na rin nung sinuot ko 'to ulit. Pagkasuot ko, kinuha ko yung cellphone ko at kumuha rin ako ng black jacket na may hood atsaka ng black cap atsaka ako lumabas ng kwarto ko.


It's already 10:30 pm. Late na para lumabas ako pero hindi ako tinatablan ng antok kaya naman pupuntahan ko na lang si Lee Howon. I'll use this chance to use my bike again, nakakamiss rin kasi magbike.  


At dahil late na nga, wala na kong nakikitang mga tao. Isa o dalawa na lang ang mga nakakasalubong ko kaya walang problema at syempre salamat din sa suot kong disguise at hindi nila ako namumukhaan. Dinadama ko lang yung hangin na tumatama sa mukha ko habang nagbibike ako, ang sarap sa pakiramdam. Nakakarelax. 


Umikot-ikot lang ako hanggang sa nakarating ako sa may Han river. Itinabi ko muna yung bike ko atsaka ako nahiga sa may damuhan malapit dito. I closed my eyes and feel the breeze of air. Napapayakap ako sa sarili ko dahil ang lamig lamig. 


"Susunod na lang ako. Mauna na kayo."


Parang pamilyar sakin yung boses na 'yon. Umupo ako at inaninag ko kung may tao pa ba dito maliban sa akin. 


"Sigurado ka, hyung? Ikaw na bahala dun sa isa ah. Mauuna na kami."


"Nasaan ba yung isa? Wag mong sabihin na nagpapakalunod na naman siya sa alak?"


"Wala ng bago, hyung. Haha. Sige, mauuna na kami."


Sabi na e! Si Lee Howon yung may-ari ng boses!


"Boo!" 


"Try harder. Hindi man lang ako nagulat. " 


I pouted. "Kainis hindi man lang nagpanggap na nagulat," bulong ko.


"Ano? May sinasabi ka ba? Bakit naka-wig ka pa?" 


Tumingin ako sakanya at ngumiti. "Delikado na baka may makakita pa sakin na fans, nag-iingat lang no. Di niyo naman kasi ako katulad, madami akong bashers na fans sa tabi-tabi. Anyway,  bakit mo ko gustong makausap? Bilisan mo, umalis na yung iba mong kasama oh," sabi ko habang nakatingin sa direksyon na pinuntahan ng ibang miyembro ng Infinite. 


"Hayaan mo sila. Malaki na ko, kaya kong umuwi mag-isa."


Ngumiwi ako sa sagot niya. "Psh. Dali na. Ano ba yung sasabihin mo?"


"Follow me."

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon