TGR#51

492 25 4
                                    


Jiyeon's POV


Anong? Seryoso ba? Uumpisahan agad ni Mama 'to sa tanong na 'yon?


"Mama. Can we talk about it some other time?" I asked her with a smile. "Mahaba pa po ang biyahe. I think we should sleep para may energy tayo pagkarating natin sa Japan."


My eyes widened nang balingan ako ni Mama ng masamang tingin. Napaiwas tuloy ako.


"Yeobo, tama si Jiyeon-ah. Matulog muna tayo," Papa is trying to remove the tension. Alam kong alam ni Papa ang lahat.


"Oo nga, ma. Matulog muna kayo ni Papa. Alam kong di kayo nakatulog sa sobrang excitement," saka tumawa si Hyojoon oppa. 


"Hindi pa tayo tapos." Mama said at me. Yumuko na lang ako. 


Hindi na lang ako dapat sumama kung ganito lang mangyayari. I miss my unnies. I miss Myungsoo. 


Nakinig na lang ako sa Ipad ko. Hanggang sa nakatulog na pala ako. 


"Wow, ang ganda talaga sa Japan! Parang Seoul lang din e." Sabi ni Hyojoon oppa nang makalabas na kami sa airport.


"Bata pa tayo nang huli tayong makapunta dito diba, oppa?" sabi ko naman. 


"Oo nga. Si Ate Jinya ata magka-college pa lang nun!" 


Hanggang sa makasakay kami sa van na sumundo samin di natapos ang kwentuhan namin ni Hyojoon oppa, sumasali din paminsan-minsan si LJoe at si Papa habang si Mama busy lang sa iPhone niya. 


Actually, I really miss her. I really miss her taking care of me. I really miss seeing her smile, her laughs, her long stories every time we eat. 


"Nak, pagpasensyahan mo na Mama mo ah? Alam mo na ganyan talaga pag tumatanda," pagbibiro naman ni Papa. "Namiss ka din niyan. Hindi lang talaga siya showy."


Nginitian ko lang si Papa. Mabuti na lang nandito siya para pagaanin yung loob ko. 


Myungsoo's POV


"Ano ba yan, Myungsoo! Kanina ka pa nagkakamali!" 


Napakamot ako sa ulo ko. Malapit-lapit na kong masapak ni Hoya hyung. Paano kanina pa kami 6am nagppractice ng sayaw para sa next comeback namin tapos puro mali mga pinaggagagawa ko. 


"Akala ko ba gets mo na? Bat nagkakamali ka pa?" sabi naman ni Dongwoo hyung. 


"Sige. Break muna tayo," sabay labas ni Hoya hyung sa practice room. 


Humiga naman ako agad sa sahig. Nilabas ko yung iPhone ko. Napasimangot ako dahil wala pa ding text si Jiyeon.

They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now