TGR#46

647 25 17
                                    

                  


Jiyeon's POV


Magkahawak kamay kami ni Myungsoo habang naglalakad kami dito sa EK. Three days na lang ang natitira at babalik na kami ulit sa Seoul. Patapos na rin kasi yung shooting para sa The Blue Of My Heart. Binigay ni direk 'tong araw na 'to para sa huling pagkakataon mapuntahan namin ang ilan pang magagandang lugar dito sa Philippines.


"Myung, thank you."


"Hm, saan?"


"Sa lahat." Hinigpitan ko yung pagkakahawak sa kamay niya, ganun din naman ang ginawa niya sakin.


Napag-isip-isip ko sa maikling panahon na binigay ko para sa sarili ko na handa kong ipaglaban si Myungsoo sa pamilya ko. Alam kong nasaktan ko si Myungsoo sa mga sinabi ko. Pinakita ko sakanya na hindi ko kayang magsakripisyo para sakanya nung gabi na 'yon. Alam ko na kahit nakangiti siya nasasaktan pa din siya sa sinabi ko nung oras na 'yon. At ayoko nang maulit 'yon.


Handa na kong sumugal para sakanya.


Handa na kong harapin sila Mama.


Hindi na ko magpapakaduwag.


Tinignan ko kung saan nakatingin si Myungsoo. Naupo muna kasi kami dahil bumili kami ng burger at juice. Mahaba-habang biyahe rin bago kami nakarating dito sa theme park na 'to.


"You want to ride that?" I asked him.


"Kung papayag ka."


Kumagat ako sa burger ko bago ko tinignan yung ride na tinitignan ni Myungsoo. Pastart na siya.


"Sure. You can ride that. Dito lang ako."


Naramdaman ko namang napatingin sakin si Myungsoo. Tumingin din ako sakanya.


He chuckled. "Seriously, Ji? Ako lang?"


I tilted my head, sumulyap ako sa ride na gusto niya.


"I'm serious, Myung. I'll wait for you here."


Tumawa na naman siya na para bang nakakatawa yung sinabi ko. Minsan talaga may saltik 'tong Myungsoo na 'to e. Bumili pa nga siya nung dalawang headband na parang kay mickey mouse at sinuot niya sakin yung isa tapos meron din siya.


"Patapos na oh. Hindi ka pa ba pipila?" sabi ko after kong kainin yung last bite ng burger ko.


Sumandal siya ulit sa kinauupuan namin kaya sumandal din ako para tignan siya.


"Ayaw mo na?"


"I'm not riding that without you." Bulong niyang sabi.


"C'mon, ayoko nga sumakay diyan. Hindi mo ba nakita? Bumabaligtad!" I shrieked.


"You are not a kid anymore, Ji. Tss. Kayang kaya mo na 'yan."


Tinaasan ko siya ng kilay? Pag-aawayan ba namin 'to?


"Bata lang ba ang pwedeng matakot diyan? Eh sa ayoko! Myung naman!"


"Fine. Then, I would not ride that." Tumayo siya at binulsa niya yung dalawang kamay niya.


"Ugh! Saan ka pupunta?!" inis kong sabi. "Myung!" hindi niya ko pinansin.


"Akala ko ba ayaw mong sumakay dun? I thought you are scared?" nakangisi niyang sabi.


They Got Real (MyungYeon Fanfiction)Where stories live. Discover now