Chapter 2

10.8K 217 28
                                    

8:10 A.M.



 The song "Ulan" of Rivermaya was loudly playing along the hallway of Estacio Condominium thru its centralized sound system. Isang mid-rise condominium ang Estacio at mayroon itong fifteen floors. Nasa 8th floor ang unit ni Jane. Unit 829. Tumatakbo si Jane sukbit ang kanyang Lacoste bag sa kaliwang balikat at hawak-hawak ang isang Rustan's paperbag sa kanang kamay. She was obviously running late for school and was hurriedly making her way to Unit 829. Puyat at wala pang tulog si Jane dahil halos magdamag silang gumimik ng mga barkada niya.

 


 "Shit, late na naman ako!" Jane quietly told herself habang kinukuha niya ang susi ng unit mula sa kanyang bag. Nang makapasok sa loob, she hastily collected her stuff and put everything inside her shoulder bag. Ni hindi niya na nagawang i-check kung tama ba o kumpleto ang mga inilagay niya. Pagkatapos nito ay dali-dali siyang nag comfort room—she brushed her teeth, washed her face and changed into her school uniform. And yes—she didn't have time to shower anymore. Wala na siyang oras. Ngarag to death na talaga si Jane.

   

        


8:30 A.M.


 Isinara at ni-lock ni Jane ang unit niya. Dali-dali siyang tumakbo papuntang elevator bitbit ang black flat shoes niya. At habang hinihintay ang elevator, na-out of balance pa nga siya sa pagsuot ng sapatos. She neatly combed her wavy hair, applied light pressed powder and put on her dark brown matte lipstick and she used the elevator door as an improvised mirror. Bumango din ang buong hallway ng Estacio when she sprayed her favorite Bath & Body Watermelon scented body spray all over, hoping that it can cover all the smell of yosi and booze she had last night. At siyempre pa, para hindi nila ma-obvious na "no bath" siya that morning.



 "This is one of the many perks of living in a condo that's five minutes walking distance to your school. Well, at least hindi ako masyadong late, 'di ba? 8:30 A.M. ang class ko sa Advertising and it's only 8:55 A.M. So basically, late lang ako ng konti," Jane told herself while walking in a sashaying manner.



 Sa may Pergola, ay may nakita siyang blockmate niya. At kahit anong late pa ni Jane para sa klase niya, basta ang pag-uusapan ninyo ay gimik, lagi siyang may time to spare. Kung minsan nga, kahit hindi niya ganoon ka-close ang nagyayaya sa kanya, basta type niya ang pupuntahan at bandang magpe-perform ay sumasama pa rin si Jane.



 Iba't ibang mga estudyante ang nandoon ng mga oras na iyon sa Pergola. May mga high school na nakaupo sa mga wooden green bench na nagpapalitan ng notes. Ang iba naman ay nag-aayos o nagpapalitan ng laman ng kanilang kikay kit. Meron namang iba na may dalang take-out food at doon kumakain. Ang ibang college students naman ay abalang nagkukuwentuhan. Mayroon din namang iba na tahimik lang na nakaupo't nagbabasa o kaya naman ay nagre-review. Sa isang banda, may isang grupo ng grade school students na nakaupo sa lapag at masayang naglalaro ng Jackstones. May mga ibang estudyanteng humahaba ang leeg at matiyagang nag-aabang ng kanilang sundo—mapa-Daddy, Mommy, Yaya, Boyfriend or kahit driver pa nila ito. Sa kanang bahagi ng Pergola ay makikita ang isang Chapel, kung saan ay madalang na dumadaan si Jane. Ang mga silyang gawa sa kahoy ay may mga markang pangalan ng mga Alumnae na nag-donate nito at kung anong taon nila ito ibinigay sa Chapel.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon