Chapter 42

2.2K 93 0
                                    

Hindi pumasok si Jane. Tumawag siya sa Mommy niya at nagsinungaling na masama ang kanyang pakiramdam kaya hindi makakapasok sa Salazar Land Corp. Pangatlong balik niya na sa bangko ng umagang iyon, "Sorry, Miss ha...Pero wala ba talagang nababanggit sa'yo si Marsha na reason kung bakit hindi siya papasok? Or baka naman may na-mention siya sa'yo kung saan siya pupunta," pangungulit ni Jane sa isang officemate ni Marsha. Ang lahat ng empleyado ay nakatingin habang kausap niya ang Teller. Mayroon pa nga sa New Accounts section na nagbubulungan. Napansin ito ni Jane at alam niyang kasalukuyan siyang pinagpi-pyestahan ng buong bangko. Ngunit hindi siya nagpadala sa emosyon, at pinili na lamang niyang ipagsawalang bahala ang lahat. Ang importante sa kanya noon, ay makakuha ng impormasyon o malaman kung saan nagpunta si Marsha.



"Sorry Ms. Jane, wala talaga kaming alam eh. Kahit nga si Ms. Tine, 'yong officer niya ay nagtataka rin. Very unusual kasi for Ms. Marsha na hindi magpaalam pag magle-leave."



Sumabat naman ang isa pang Teller sa tabi, "Actually this morning, pinatawagan siya sa akin ni Ms. Tine. Una, nag-ring yung cellphone niya pero walang sumasagot dito. Tapos tumawag ako uli, pero naka-off na yung cellphone niya," dagdag pa ng pangalawang Teller.



"Gano'n ba? Sige, try ko na lang uli siyang tawagan. By the way, here's my business card," sabay abot ng isang calling card sa kausap na Teller. "Please page or text me if you hear from Marsha. I would really appreciate it. Thank you."




Lumabas na si Jane at sumakay sa kanyang kotse. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Marsha, disconnected na daw ito sabi ng voice prompt. Pagkatapos ay sinubukan naman niyang mag-page, pero ang sabi ng operator ay disconnected na raw ang number na iyon at kaka-take effect lang daw ng request ng subscriber mga two hours ago. Lalo tuloy tumindi ang pag-aalala ni Jane kay Marsha. Nag isip siyang mabuti. Nag isip siya kung saan maaring magpunta si Marsha, "Nasa'n ka na Marsha? Nasaan ka?-Sa Lucena? Tama, baka nandoon nga siya. Kung totoong tumawag ang Mommy niya baka umuwi siya sa kanila. Baka may family emergency or something." Mabilis na kinabit ni Jane ang kanyang seat belt at inistart niya ang kotse.


The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon