Chapter 39

2.5K 103 7
                                    

Isang araw bago ang birthday ni Marsha, lumabas si Jane at bestfriend nitong si Ambers para maghanap ng birthday gift para kay Marsha. Hindi naman sila nahirapan o natagalan sa paghahanap ng regalo dahil alam na ni Jane kung ano ang kanyang bibilhin.



"Wait I forgot, I've got to buy something pa for her," dali-daling kinakaladkad ni Jane si Ambers pabalik sa loob ng Mall.



"Grabe end of the world?! Pwede magdahan-dahan lang? Baka nalilimutan mo, naka two-inch heels ako! Ano ba kasi 'yan? 'Di ba pwedeng ipagpabukas?" sarkastikong pahayag ng kaibigan niya.



"Hindi, kaya 'wag ka ng kumontra at bumalik na lang tayo," sagot ni Jane habang humahangos sila sa paglalakad.



Isang toy shop ang pinasok ng dalawa. Maraming tao, lalo na ang mga batang kanya-kanyang pili ng mga toys na ipabibili nila sa kanilang Mommy at Daddy. Si Jane nagpatulong sa isang sales lady para ituro at i-assist sila sa hinahanap niya. "Miss, saan dito 'yong mga Tamagotchi ninyo?" tanong ni Jane.



"Ah this way po tayo, Ma'am," sagot ng Sales Lady habang sinasamahan sila sa Tamagotchi section.



Mabuti na lang at mayroon pang Tamagotchi na kagayang-kagaya nang ibinigay niya kay Marsha. Last stock na ito kaya naisip ni Jane na sobrang meant to be. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na bilhin ito.



"Grabe, Tamagotchi lang pala ang bibilhin mo eh meron naman n'yan sa Mall malapit sa Estacio, 'di ba?" pahayag ni Ambers.



"Meron nga, kaso gusto ko kasi yung eksaktong kagaya sa nasira na Tamagotchi ni Marsha," nakangiting sagot ni Jane.



"Hay nako, whatever! You are so cheesy! Halika na nga at maaabutan na tayo ng rush hour. Saan ngang restaurant sina Marsha?" tanong ng kaibigan niya.




Samantala nauna sa isang restaurant sina Marsha at ang Mommy ni Jane. Birthday treat ito ng Mommy ni Jane kay Marsha and of course, one way of spending some time with her daughter na rin. Mommy niya ang nagasikaso ng lahat—from the choice of restaurant, reservations, hanggang sa food ay siya na rin ang pumili. Pagdating ni Marsha sa restaurant ay agad na ibinigay ng Mommy niya ang birthday gift para sa dalaga, "Happy Birthday, Marsha!"



"Thank you po, Tita!" habang bineso niya ang Mommy ni Jane.



"So I heard you got a promotion. Congratulations, Hija!"



"Yes Tita, Junior Assistant Manager, but I still have a long way to go," nakangiting pahayag ni Marsha.



"Well I'm sure they know that you have potential. Besides, you're still young so just enjoy your work muna. Hinay-hinay lang and I'm sure you'll get there soon. By the way Hija, I also wanted to thank you."



"Thank you po saan?" nagtatakang tanong ni Marsha.



"I wanted to thank for bringing that change to my daughter. You certainly have a great effect on her...a very good one. At last, ikaw lang pala ang magpapabago dyan kay Jane. Finally she quit her regular night outs. And her smoking too." Napa-double look sa kanya si Marsha, "Oh yes, I know about her smoking habits as well. We just don't want to pressure her kasi alam mo na...baka lalo lang lumala, baka magrebelde pa siya. And it would be difficult for us to monitor her kasi nga hindi naman namin siya nakakasama o nababantayan. Kaya laking pasasalamat ko sa'yo," dagdag pa ng Mommy ni Jane.



"Wala po 'yon. Anything for Jane," nakangiting sagot ni Marsha.




Hindi naman nagtagal at dumating na din sina Jane at Ambers. Kumain at masaya silang nagkwentuhan. Si Ambers walang tigil sa pagbabangka, nagkwento siya tungkol sa latest Eraserheads gig na napuntahan niya, sa bagong lipstick na binili, pati na rin update ng pagma-migrate nila papunta sa States. Talaga naman no dull moment pagkasama mo si Ambers. Maya-maya pa ay may tumatawag sa cellphone ni Marsha, "Ay, excuse me. I'll just take this call." Agad na tumayo si Marsha sa table at lumabas ng restaurant.



Samantala, nagsisimula nang i-serve ang dessert na Fried Ice Cream nang bumalik si Marsha sa table nila, "Sorry po, natagalan. Tumawag po kasi si Mama."



Bakas sa mukha ni Marsha ang pagkabalisa, "Is everything okay, Hija?" tanong ng Mommy ni Jane.



"Ah ye—es po, Tita. Naa—ngangamusta lang siya," mabilis na sagot ni Marsha. Hindi na nag urirat pa si Jane at pinagmasdan lang niya ito. At sa tagal niyang kasama si Marsha, alam niyang may itinatago ito sa kanila...sa kanya. Pero naisip ni Jane na bisperas ng birthday ni Marsha and everything was going well, she just don't want to spoil it. Kaya naman si Jane, nag-pretend na lang din na walang napansin at nagsawalang-kibo na lamang. 

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon