Chapter 10

4.4K 145 11
                                    

Jam-packed ang Tapsilog Haus nang dumating ang Mommy ni Nadine. Dumeretso siya sa counter at nag-check muna ng stocks.



May lumapit na babae at inabot ang isang folder at samu't saring resibo, "Good morning, Ma'am. Nasa office ninyo na po yung sales report para sa last shift. Tapos eto po yung stock inventory natin as of 6 A.M. Kailangan na po natin umorder ng ketchup, soy sauce at hot sauce. Tapos tumawag po ang A1, may ipapa-sample daw po sila na beef. Cheaper pero same quality daw po. And lastly po, tumawag ung franchisee natin. Pa-return call na lang daw po kay Miss Jodalyn at may itatanong daw po siya regarding additional franchise," dere-deretsong pahayag ni Anna.



Hindi sumagot ang babae habang patuloy sa pagbabasa ng sales report. Paalis na sana siya papasok sa office niya nang biglang may pahabol pa si Anna, "Ay Ma'am, tumawag nga po pala si Ma'am Leigh, sabi niya on the way na daw po siya," dagdag pa ng kanyang staff.



Tumango ang babae, "Okay thank you, Anna."



Pumasok na siya ng office dala ang mas dumaming folders at iba't ibang resibo. Mag lilimang taon na ang Tapsilog Haus under her management. Nabili niya ito sa dating Chinoy na may-ari. Kinailangang ibenta ito dahil babalik na ang Chinoy at pamilya niya sa Macau. Nagkaroon na ito ng mga minor renovations dahil na din sa katandaan at kalumaan ng pwesto. Pero sinigurado niya na ma-preserve pa din ang itsura at aura nito, lalo na't isang institusyon na ang Tapsilog Haus sa lugar na iyon. Nagdagdag na din siya ng menu, pero yung lumang malaking menu board pa din ang nakasabit sa likod ng counter. Ganoon pa rin ang sounds ng Tapsi Haus, bawat araw iba ang tema. Kaya naman hanggang ngayon ay marami pa rin ang nae-engganyong kumain at tumumbay dito. Hands-on siya sa pagpapatakbo nito at 24 hours pa rin ang operation. Ang baba nito ay air-conditioned na habang ang second floor ay open-air pa din para sa mga gustong mag yosi. Naglagay na rin siya ng Security Guard, simula nang ninakawan ang katabing JJ Convenience Store.



Mas lumakas ang Tapsilog Haus simula nang siya na ang nag-manage. Sa kasalukuyan, mayroon na itong five branches-four company-owned and one franchise. Maliban kasi sa specialty nito na Tapsilog ay isa sa binabalik-balikan dito ay ang sawsawan ng Tapa or ang kanilang Tapa sauce. Simula noon hanggang ngayon ay siya pa rin ang nagtitimpla at gumagawa nito.



Ang mga suki nilang nag-oopisina, mga gimikero, mga estudyante at yung iba naman ay graduate na pero bumabalik pa rin dito. Hindi lang kasi masarap na pagkain ang binabalikan dito, ang karamihan ay bumabalik dahil sa mga ala-ala. Ala-ala ng pagkakaibigan na nabuo o nasira sa lugar na ito. At ang nakakalungkot, ay kasama siya dito sa "karamihan."



Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang may biglang kumatok sa kanyang pinto. Si Leigh. Mag-kumare silang buo - Ninang siya ni Nadine at inaanak naman niya ang bunso ni Leigh. Nagkakilala sila sa isang Peer Facilitator Program na dinaluhan niya, mga tatlong taon na ang nakakaraan, Mataas si Leigh at maganda. Mayaman din ang pamilya niya, at never siyang nagtrabaho o kahit nag-negosyo. Bukod kasi sa spoiled brat siya, mayaman din ang napangasawa niya. Kaya naman nang pumuntang States ang bestfriend niya, si Leigh na ang madalas niyang kasama at karamay sa mga problema.



Pumasok si Leigh, bineso niya ito at pagkatapos ay umupo na sa harapan ng desk niya, "So, nakatulog ka ba kagabi?" tanong ni Leigh sa kaibigan. "—Sorry, sorry I had to leave yesterday. And I really felt bad about it. 'Di mo tuloy natapos yung kwento mo."



"Okay lang, I understand naman," tumingin sa ibaba ang babae kasabay ang malalim na buntong hininga nito, "And honestly, no. It's been almost ten years at ngayon lang ako nagkalakas ng loob na ikwento ito. Sorry Leigh, I just need to. Feeling ko sasabog na ang dibdib ko. Ang tagal ko nang dala-dala ito." Halos mangiyak-ngiyak siya habang sinasabi ito kay Leigh.



Tumayo si Leigh at pumunta sa may tabi niya. Hinagod niya ang likod ng kaibigan, "It's okay, I'm here. You can tell me anything...anything at all. I'm here to listen and I will never judge you." Kinuha niya ang isang baso ng tubig na nakapatong sa desk ng kaibigan at pinainom niya ito, "So tell me...tell me everything about this best love you had."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon