Chapter 14

3.9K 136 2
                                    

Newsbar Café was one of the famous bars during the 90s. It was located at Jupiter Sreet. in Makati. Regular bands performing then were Freestyle, First Circle, Passage Band and a lot more.




Mag aalas-otso na ng gabi at naghihintay na sina Ambers at mga kaibigan sa entrance ng Newbar Café, "Ayan na pala sina Jane. Guys, let's go in na," pasigaw na sabi Ambers.



Dumating si Jane at Marsha. Pareho silang naka jeans at t-shirt. "Guys, this is my friend Marsha. She's my new neighbor, she lives just across my unit," pakilala ni Jane sa mga kaibigan.



 "Hi Marsha!" halos sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ni Jane.



"Hello!" nakangiting bati naman ni Marsha.



Lumapit si Ambers sa isang babaeng matangkad at maputi, isa siyang Usherette ng Newsbar, "Guys, tara na.—Guest list under the name of Ambers Santiago please and for five people," pahayag ni Amber sa Usherette.



Hinatid sila ng Usherette sa loob. Medyo madilim at mausok na ang loob ng News Bar dahil sa yosi ng mga customers. Halos mapuno na din ang bar ng mga oras na iyon. Malakas ang tugtog na "No Scrubs" ng TLC sa background. Pinili ni Ambers na umupo sa pangalawang table mula sa kaliwa ng stage. Pag upo nila ay agad-agad na lumapit ang isang waiter at binigyan sila ng menu list.



"So what will you have?" tanong ni Jane kay Marsha.



Sinara ni Marsha ang menu list at binaba sa table, "Iced tea."



Natawa si Jane, "Are you kidding me? We'll have two glasses of Frozen Margarita please."



Mabilis na umalis ang waiter pagkabigay ng order kaya naman hindi na nagkaroon ng pagkakataong tumanggi si Marsha. At kasabay ng pagkapal ng usok mula sa mga nagyo-yosi ay ang pagdami pa ng crowd. Ang bandang First Circle kasi ang unang magpe-perform. Nasa kalagitnaan pa lang ng kanilang first set ay nagsimula ng maging "game" ang crowd. Mayroong malakas na sinasabayan ang kinakanta ng banda, ang iba naman ay tumayo sa kanilang upuan at sumasayaw na. Mayroon pa ngang dalawang babae na mas piniling mag-ledge dance sa stage. Sina Jane naman ay nagkakatuwaan na din, naka-ilang round na sila ng drinks at ang ibang kaibigan niya ay "give na give" na din sa pagsasayaw.



"I'll just go to the restroom," ang paalam ni Marsha. Sa kanyang pagtayo ay nakaramdam siya ng konting pagkahilo at medyo na-out of balance.



Mabuti na lamang at mabilis siyang naalalayan ni Jane, "Shit, Marsha I think you're drunk. Halika, samahan na kita sa restroom," yaya ni Jane.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon