Chapter 3

6.3K 165 5
                                    

Isang babaeng chubby, at may mahabang buhok ang tumatakbo papalapit kay Jane, "Janey, wait up!" sigaw sa kanya ng babae. May dala-dala itong isang binder na puno ng collage ng bandang Eraserheads.


Siya si Ambers, ang best friend ni Jane at ang number one fan ng Eraserheads. Simula nang makita niya si Ely Buendia sa Enchanted Kingdom ay naging instant stalker na siya nito. Kumpleto siya ng mga albums, posters at kung anu-ano pang Eheads collectibles. Nagkakilala sila ni Jane during their college entrance exams. At simula noon, hindi na napaghiwalay ang dalawa. Pareho sila halos ng preference-from fashion, food, music, gimmicks and even sa boys. Hindi mahilig mag ayos si Ambers kapag nasa school siya. Kagaya din siya ni Jane na laging ngarag sa umaga at puyat dahil sa gabi-gabing gimik. Kaya naman kadalasan, ay wala siyang oras para sa sarili. Ibang Ambers naman ang makikita mo kapag may "Night Out" ang barkada. Isang Ambers na naka-makeup, naka-dress or skirt, "Dressed To Kill" kumbaga. At kung may oras pa, ay nakakapag-set o kulot pa siya ng buhok.


Lumapit si Ambers kay Jane na nagyoyosi sa labas ng Tapsilog Haus, "So what time shall I pick you up later?" tanong ni Ambers habang nagbabasa ng pager niya.


Hinahawi ni Jane ang usok mula sa yosi niyang Cartier, "Agahan mo ang punta at sa condo ka na mag dinner. Take out na lang tayo?"


Hindi agad nakasagot si Ambers dahil busy sa pagbabasa ng kanyang pager, "Okay, see you later! Ay teka, pa-yosi nga muna." Binuksan ni Jane ang bag at kinuha ang half-empty pack ng yosi. Inabot niya ito kay Ambers. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang pink Cricket lighter sa kanang bulsa ng slacks. At sinindihan niya ang yosi ni Ambers.


Ambers then made her first puff. She held her breath and exhaled before speaking again, "Thanks! Love ya! So paano, I'll go ahead. May dadaanan pa kasi ako sa Laboratory. Kita na lang tayo later," sabi ni Ambers habang pinapatay ang yosi sa lapag.




Eraserheads o "E-heads", ay isa sa tanyag at maimpluwensiyang banda noong 1990s. Binansagang "The Beatles" of the Philippines. Binubuo nina Ely Buendia, Marcus Adoro, Buddy Zabala at Raimund Marasigan.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon