Chapter 35

2.5K 109 8
                                    

Masayang natapos ang Graduation Ceremony ni Jane. Kabi-kabila ang bati ng "Congratulations" at picture-taking. Ang mag bestfriend na sina Jane at Ambers ay hindi matapos sa pagpapakuha ng picture. Gusto kasi nila na maraming maiwang souvenirs bago lumipad ang bestfriend patungong U.S. Kumpleto din ang pamilya ni Jane, nandoon ang kanyang Mommy, si Marsha, si Yaya at pati na rin si 'Ta Berts. Well, except for one-hindi pa rin dumalo ang kanyang Daddy.



"Guys, I'll take your picture," ang sabi ni Ambers. Mabilis na nag ayos at nag-pose sina Jane. Kukuhanan na sana sila ng picture nang biglang may dumating...



"O, hindi ba ako kasama dyan sa picture taking ninyo?" isang pamilyar na boses ang kanilang narinig at ang lahat ay napalingon sa likod.



"Daddy!" Jane exclaimed. "You're here!"



"Of course I'm here, Baby! I would've not missed this for the world. Congratulations, Anak," sabay niyakap si Jane ng kanyang Daddy.



"Thank you, Dad.—I'm sorry. I'm so sorry, Dad. I didn't mean-"


"Shhh, I know. And I'm sorry if your Mom and I didn't listen. Especially ako. Basta always remember that nandito kami para sa'yo. And we love you very much. And we will support whatever will make you happy." Lalong humigpit ang pagyayakapan ng mag ama. "Now this is your Graduation Day, so let's stop the drama and let's start celebrating," nakangiting pahayag ng kanyang Daddy.



Pagkatapos magkaayos ng mag ama ay dumeretso sila sa isang five star hotel para doon mag-dinner. Masaya ang naging kwentuhan nila. Ang Daddy naman ni Jane ang nangamusta at nag "getting to know" stage kay Marsha. Inalok naman si Jane ng kanyang Mommy na doon na lamang magtrabaho sa Real Estate company nila. Bago lang kasi ang kompanya at nanganagilangan sila ng isang Marketing Manager na syempre pa, ay mapagkakatiwalaan. Hindi naman nagdalawang isip si Jane at pumayag ito sa offer ng kanyang Mommy.



Napakagandang regalo ito para kay Jane. Bukod kasi sa nandyan sa tabi niya si Marsha, ay kumpleto na naman muli ang kanyang pamilya. Ang "acceptance" na kanyang minimithi ay unti-unti na niyang nakukuha. That night before Jane went to sleep, she closed her eyes and said a little prayer, thanking Him for all the blessings He have given her and her family.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon