Chapter 47

2.4K 119 6
                                    

Maluwag ang parking lot ng Tapsilog Haus nang dumating sina Jane at Eric. Pinagbuksan ni Eric ng pinto si Jane at agad silang umupo sa table malapit sa counter. Thurday ngayon kaya naman malakas ang tugtog ng "The Promise" ng When In Rome sa background. At as usual, halos mapuno na naman ang Tapsi Haus mula sa kanilang mga regular na parokyano. "Ano ba kasing gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ni Eric, "Pero in fairness, okay 'tong place na 'to. Ganda ng sounds and the menu looks good," dagdag pa niya.



"Well for one, I miss this place and yeah, you are right, food here is awesome. I want you to try their Tapsilog, and their Dark Chocolate Champorado is to die for. Lalo na with extra milk and crispy dilis. Grabe! Second, I have to talk to the owner din. Actually, I've already set a meeting with him," paliwanag pa ni Jane.



"Meeting?—meeting for what?



"My barkada called me the other day. Sabi niya this place daw is for sale na. The Chinoy owner is going back to Macau with his family. Kaya ayon, he's selling this. "



"And you want to buy this?"



"Exactly," maikling sagot ni Jane. "Besides I am confident about this. I know this will be a good investment and Mom will surely agree on this one. Institusyon na kasi itong Tapsi Haus dito. A lot of people grew up eating here. A lot of good memories too," nakangiting kwento ni Jane.



"When you say memories, you mean including her?"



"Yeah, I guess you can say that—including Marsha," may nginig sa boses ni Jane nang binanggit niya ang pangalan nito.



"You still miss her a lot?" Hindi sumagot si Jane at yumuko na lamang ito, "I guess your silence means yes." Pagkatapos ay dahan-dahang inurong ni Eric ang kanyang kamay para maabot ang kay Jane. "Jane, I know you're not yet ready for anything—for anyone. But I just want you to know that I will wait for you for how long it takes. I'll always be here for you, Jane."



Hindi kumibo si Jane at ngumiti na lamang. Tila naghahanap siya nang isasagot kay Eric. Ng oras na iyon hindi alam ni Jane ang nararamdaman niya. Napakabait ni Eric. And so far, she can truly say that her friendship with him has really blossomed. He has always been with her through rough times. And Eric has been a big help sa unti-unti niyang pag-move on from Marsha. Confused pa siya sa nararamdaman niya for him, basta ang malinaw sa kanya ay masaya siya pag kasama niya si Eric at importante sa kanya kung ano man ang mayroon sila ngayon.




Maya-maya pa ay dumating ang isang waitress. Anna ang nakasulat sa name plate niya, "Good afternoon, Ma'am. Kayo po ba si Ms. Jane Mercado?" nakangiting tanong ng waitress.



"Hi, yes I'm Jane. Ready na ba si Mr. Sy?"



"Opo, hinihintay niya na po kayo sa office. This way Ma'am, samahan ko na po kayo sa kanya." Tumayo na sina Eric at Jane, pagkatapos ay sinundan na nila si Anna papunta sa isang maliit na office malapit sa counter. Pumasok silang tatlo at pagkatapos ay mabilis na isinara ni Anna ang pinto.



At makalipas ang mahigit isang oras ay lumabas si Jane dala-dala ang ilang folders. Folders ito ng Deed of Sale, Transfer of Ownership at iba pang legal documents ng Tapsilog Haus.




Oo, noong Huwebes ding iyon, nabili ni Jane ang Tapsilog Haus. And yes, Jane did lie to Eric. Ang totoo kasi, binili ni Jane ang Tapsilog Haus dahil kay Marsha. Isa kasi ito sa mga pinangarap ni Marsha. Pangarap na binuo nila nang madalas silang kumakain at tumatambay dito—pangarap na binuo nila noong sila'y masayang magkasama pa. Bukod dito, nagbabakasakali siya na isang araw, ay magawi si Marsha sa Tapsilog Haus. Hindi pa rin nawawala ang pag-asa ni Jane na isang araw, ay magkikita pa rin sila ni Marsha.


The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon