Chapter 36

2.7K 105 15
                                    

"Happy Anniversary!" masayang bungad ni Jane kay Marsha sabay hinalikan ito sa labi. "Wake up, sleepy head! We will be late."



"Come here," malambing na tawag ni Marsha.



"Why? Male-late na tayo. Maliligo na ako," sagot ni Jane.



"Basta come here muna." Wala ding nagawa si Jane at muling umakyat pabalik sa kama. Agad siyang niyakap ni Marsha, "Happy Anniversary!" sabay halik sa maiinit na labi ni Jane, "Grabe ang bilis ng panahon, one year na tayo. Parang kailan lang—"



Naputol ang sasabihin ni Marsha nang biglang nagsalita si Jane, "—Parang kailan lang ng lagi tayong nagbabanggaan sa hallway ng Estacio. Tapos ngayon katabi mo na ako at laging pinagsasamantalahan, Ha ha!" At nagtawanan ang dalawa. "Come'n Marsh, bangon na, maligo na tayo. Baka matraffic pa tayo." Nangungusap ang mga mata ni Marsha. Parang may ipinapahiwatig, "Hoy Marsha Julia, tantanan mo na ako! 'Yang mga tingin at ngiti mong 'yan eh iba na naman ang gustong ipahiwatig," natatawang pahayag ni Jane.



"Grabe, ang lupit mo! Sige na maligo ka na, susunod  na lang ako sa'yo."



"Hay nako, ako na muna ang maliligo at pagsumunod ka, baka hindi na tayo matapos dalawa."



"Ang sama mo. You're so mean," nakasimangot na sagot ni Marsha.




Magaalas-diyes na ng umaga nang makarating sina Jane at Marsha sa Tagaytay. Dumeretso sila sa isang hotel kung saan nagpa-reserve si Marsha. Maganda ang hotel at elegante. Ang kwarto nila ay black and white ang tema - simula sa wallpaper, carpet hanggang sa bedsheets at linen nito. Mayroon itong isang malaking balcony na may magandang overlooking view ng Taal Volcano. At hindi napigilin ng dalawa na mamangha sa napakagandang view na nasa harapan nila.



Pagkatapos nilang magcheck-in ay agad silang bumaba sa Café ng hotel at doon sila nag-early lunch. Isang four-course meal ang inorder nila. May kamahalan pero sulit ang price nito dahil hindi naman matawaran ang sarap at ganda ng plating ng pagkain.



Matapos nilang kumain ay lumabas ang dalawa ng hotel at namasyal-masyal. At sa kanilang paglalakad ay may nakita silang signage: HOUSE FOR SALE. Napahinto ang dalawa sa tapat ng bahay, "I think we should check this house," yaya ni Jane kay Marsha.



Nag-doorbell sila at agad silang sinalubong ni Mang Canor, ang katiwala. Kasama niyang mangalaga ng bahay ang asawa niyang si Aling Minyang. Pinapasok at sinamahan sila nina Mang Canor na ikutin ang buong kabahayan. Taong 1985 daw nang pinatayo ang bahay. Ang may-ari nito ay isang pinay na nakapangasawa ng isang Amerikanong sundalo. Kaso kinailangan nilang ibenta ang bahay dahil napagdesisyonan nila na sa Amerika na manatiling manirahan. Along the highway ang bahay at katamtaman ang laki. Pagpasok ng gate ay garahe ang bubungad sa iyo. Kasya ang dalawang kotse sa laki nito. May pababang hagdan mula sa garahe patungo mismo sa bahay. Bungalow style at gawa ito sa semento. Pero kahit may katandaan na ang bahay, ay well-maintained pa din ito.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon