Chapter 8

5.1K 162 12
                                    

Pagkatapos ng kanilang "short" meeting ay bumaba ang dalawa ng Estacio at kumain sa Tapsilog Haus. Pagpasok nila sa Tapsilog Haus ay halos puno na ito. Karamihan ng customers dito ay kagaya ni Jane na galing sa gimik or night out. Ang iba naman ay nandito para kumain ng late dinner o kaya naman ay very early breakfast. Ang iba ay nagka-kape, dinadayo din kasi dito ang kanilang espesyal na Kapeng Barako. Mayroon din namang mga naka-tambay lang.



Ang Tapsilog Haus ay may sampung set ng table sa ibaba at walo naman sa itaas. Hindi ito naka aircon kaya makikitang nakakabit ang mga lumang modelo ng ceiling fan. Karamihan din sa mga gamit dito ay luma na, ang iba nga ay antique pa. Ang counter nito ay yari sa Narra at mayroon itong lumang modelong cash register. Sa likod nito ay nakapaskil ang isang malaking menu board. Ang kusina ay nasa bandang likod at mayroon itong isang maliit na counter top kung saan inilalabas-pasok ang mga orders. Sa kaliwang bahagi naman nito ay ang Ladies/Gents restroom, at sa labas nito ay mayroong isang maliit na lababo at salamin.


Centralized din ang sound system kung saan may tema o schedule ang music dito: Mondays - all Tagalog songs, Tuesdays - 70s music, Wednesdays - 80s music, Thursday - all love songs, Fridays - 90s/present songs, Saturdays and Sundays - RnB and Disco songs. Kaya naman ang mga estudyante ay nae-engganyong tumambay dito.



At bukod pa sa kanilang specialty na Tapsilog, ay binabalik-balikan din dito ang kanilang mainit na Tsokolate at Buko Sherbet na galing pa sa Pampanga. Tuwing kumakain naman si Jane at Ambers dito ay hindi nila pinapalampas ang pagkakataon na umorder at kumain ng Dark Chocolate Champorado na gawa sa purong tsokolateng Tablea. Mayroon din itong fresh na gatas ng Kalabaw at binubudburan pa ng tustadong dilis sa ibabaw.




Samantala, pinili nila Jane at Marsha ang isang table sa ibaba, malapit ito sa may glass door. Naunang umupo si Marsha at kaaagad na binasa ang menu board. Si Jane naman ay mas minabuting interbyuhin na lang si Marsha, "So, are you still studying or are you working na?"



"Working na sa isang bank," maikling sagot ni Marsha habang inaabot ang mga condiments sa kabilang dulo ng kanilang mesa.



Tumango si Jane habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Marsha, "Ako naman graduating na this March. Well hopefully," nakangiting pahayag ni Jane.



Hindi sumagot si Marsha habang abala sa pag-gawa ng sawsawan. Sa isang sauce plate ay naglagay siya ng suka, ketsup at hot sauce. Hinalo niya ito mabuti at tinikman ang ginawa mula sa kutsarang ginamit niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang Magic Savor at nilagyan niya ang kanyang sunny-side up egg. "Perfect!-What?" nagtatakang tanong ni Marsha kay Jane, "Masarap 'yan. Try mo."



Hindi sumagot si Jane at ngumiti lamang siya. Si Marsha naman ay kinuha ang sauce plate ni Jane at inulit muli ang proseso ng pag-gawa ng sawsawan. Pagkatapos ay kinuha niya ang plato ni Jane at nilagyan din ng Magic Savor ang sunny-side up egg nito. "Ayan, okay na," ang pahayag ni Marsha.



"Thank you," mabilis na sagot ni Jane. "So Marsha, manager ka na sa bank?"

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon