Chapter 17

3.3K 114 0
                                    

Manipis na ang fog pero malamig pa din ang simoy ng hangin. Dumating si Yaya Minyang dala ang dalawang makapal na cardigans. May dala din siyang tea at Chocolate cake. Sinalin ni Yasmin ang tea mula sa puting China teapot na binili pa ng Auntie niya sa Australia. Inabot niya ito sa kanyang Auntie at muling bumalik sa pagkakaupo sa kanilang garden bench.



Bahagyang hinipan ng kanyang Auntie ang tsaa, "Ang ganda ng Taal, ano? Hindi sumagot si Yasmin. Pinagmasdan niya ang Taal at pagkatapos ay tumingin siya sa kanyang Auntie. Nakapako pa din ang tingin ng kanyang Auntie sa Taal Volcano, "Alam mo ba na one my of my dreams was to live in Tagaytay...to have my own house here. Gusto ko pag gising ko siya ang una kong makikita at gusto ko din bago ako matulog, siya pa din ang huling makikita ko. And I thank God for giving me my dream," pahayag ng kanyang Auntie.



"Pero why of all places Tagaytay, Auntie? Minsan ang hirap talaga dito kasi ang layo ng byahe especially if you are going to Manila," pahagay ni Yasmin.



Hindi sumagot ang kanyang Auntie at patuloy na tinignan ang Taal Volcano.



"Auntie, you need to go back to Australia. Tumawag si Mamang sa akin at nagsusumbong. Ilang beses na daw siyang tumawag, ayaw n'yo naman daw po siyang kausapin. Kausap ko na ang Travel Agent ko and I'll have your ticket ready as soon as possible."



Nagbago ang aura ng kanyang Auntie at biglang inalis ang pagkakatingin sa Taal, "Hindi-Ayoko! Hindi na ako babalik ng Australia. Sabihin mo kay Mamang kung gusto niya akong makita, siya ang pumunta dito. Kakausapin ko din si Mamang."



"But please Auntie, you really need to go back there," pag-aalalang sabi ni Yasmin.



The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon