Chapter 12

3.5K 127 0
                                    

Katatapos lang ng first period nila at naglalakad ang mag bestfriend papunta sa kanilang susunod na klase, "Ahh...so normal naman pala sila," natatawang sambit ni Ambers. 



"Siya—si Marsha lang. I haven't met her boyfriend yet. At wala akong plano. Anyway, may gimik ba tayo tonight?' tanong ni Jane sa kaibigan.



 "Yup. Excited nga ako eh. Back-to-back ang Freestyle at First Circle tonight sa News Bar. Ay, meet n'yo na lang pala ako doon ha...May dadaanan pa kasi ako. Ready na naman ang guest list, nasa name ko," pahayag pa ni Ambers.



"Okay. Isasama ko si Marsha ha?"



Huminto sa paglalakad si Ambers at nanlaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan., "Si Marsha? Are we talking about the same Marsha who lives just across your unit?"



"Yes—that Marsha."



"Are you sure about that? Eh parang ni hindi marunong ngumiti yung babaeng 'yon eh. Baka magdala pa ako ng Ammonia niyan pag nakalanghap 'yang new-found-friend mo ng mga sigarilong susunigin ng baga mo ha?" dagdag pa ni Ambers.



"Like I've said, okay naman siya. Medyo mahinhin nga lang at tahimik, pero I find her okay. And she seems fun. Basta isasama ko siya. And I'm sure you will also like her."



"Also?—So you mean to say you already liked her? Parang gusto ko na 'atang magselos niyan ah." 



Tumawa ng malakas ni Jane nang marinig ang sinabi ng kanyang bestfriend, "Ano ka ba? Syempre, you will always be my bestfriend. Just give her a chance and get to know her too. I'm sure you will like her."



Tumuloy na sa paglakad si Ambers, "Okay, sabi mo eh!"















The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon