Chapter 28

2.8K 101 0
                                    

"Mam, nasa extension phone po si Sir Eric, hindi daw po kayo ma-contact sa cellphone," pahayag ni Anna.



Kinuha ng kaibigan ni Leigh ang cellphone niya at agad itong tsinek, may two missed calls na nga siya galing kay Eric. Hindi niya alam kung bakit naka-silent mode ito. Binago niya agad ang settings, pagkatapos ay inangat niya ang extension phone sa kaliwang bahagi ng desk niya. Habang nakikipagusap ang kaibigan, minabuti niyang iligpit ang kanilang pinagkainan. Maya-maya pa ay may isang waitress na pumasok sa office at inimis nang tuluyan ang kanilang pinagkainan at pinunasan ang desk ng kaibigan.



Nang matapos ang kaibigan sa pakikipagusap sa asawa, "Eric will come home in three days."



"Whaaatwhy?" natatarantang tanong ni Leigh, "I mean, I thought he will have his vacation on December pa in time for the holidays and for Nadine's birthday."



"Well, that's what I thought so too. Apparently, he and his boss need to be here to meet with some new Filipino investors. Mga two weeks lang naman daw. Then pagbalik niya sa Canada, we might go with him for a short vacation. Sayang din naman ang summer vacation ni Nadine," kwento pa ng kaibigan niya.



"For how long? Paano itong Tapsilog Haus mo?" urirat ni Leigh. "Pero you, of all people need that vacation. I say, grab it! You've been in a lot of stress lately. Spend some time with Eric and Nadine. And besides, this might just help you get it off your mind," payo pa ni Leigh sa kaibigan.



"I know. But we haven't really talked about the details yet. Pag uwi niya na lang daw dito sa Pinas. Though, I really can't stay there that long. Kaya naman na ni Anna i-manage itong Tapsi Haus, kaso minsan medyo takot pa din siya sa decision making. Then si Nadine naman mid-May ay magstart na sa Ballet class niya," dagdag pa ng kaibigan niya.



"Tapsi Haus ba talaga ang concern mo or "siya" pa rin?" pagdududang tanong ni Leigh. Hindi na siya sinagot ng kaibigan hanggang sa pumasok muli ang waitress dala ang dalawang tasa ng mainit na Tsokolate. "Thank you!" Leigh exclaimed. "One thing more-Mare, I'm just curious...does Eric know anything about this?" Hinipan muna ni Leigh ang kanyang Tsokolate at pagkatapos ay dahan-dahan itong hinigop, "I mean, yes this was your past. But Eric is your present and your future. I'm just worried that one day things would just blow out of proportion."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon