Chapter 24

4.1K 137 30
                                    

Maagang gumising sina Jane at Marsha. Ngayon kasi ang araw ng uwi nila sa Cavite. Excited sila pareho. Tumawag ng maaga ang Mommy ni Jane at sinabing darating ang driver para sunduin sila. Pero tumanggi si Jane at mas pinili nilang mag bus ni Marsha. Mas may excitement daw kasi.



Sabado iyon at wala masyadong pasehero, kaya hindi nahirapan ang dalawa na makasakay. Maluwag ang aircon bus na sinakyan nila. Pinili nilang umupo sa tatluhan, at si Marsha ang nasa may bintana. Nakahilig si Marsha sa balikat ni Jane habang kinikilig sa panonood ng "Dahil Mahal Na Mahal Kita" nina Rico Yan, Claudine Barretto at Diether Ocampo na kasalukuyang palabas sa bus. Wala ding traffic sa Coastal Road kaya isang oras lang inabot ang byahe.



Magaalas-diyes ng umaga nang makarating sila ng Cavite City. Galing sa bus terminal ay sinundo sila ni Manong Bert. Si Manong Bert o 'Ta Berts na tawag ni Jane, ang supposedly driver niya na naging instant hardinero. Nasa early fifties na si 'Ta Berts pero malakas pa ito at maliksi pa ang katawan. Nagpupunta pa nga siya sa gym tatlong beses isang linggo. At sa loob ng apat na taong paninilbihan kina Jane, ni minsan ay hindi pa ito nagkasakit. Matandang binata siya at minsan ay na-broken hearted kaya piniling hindi na mag asawa. Ang pamilya niya ay nasa Isabela kaya simula nang lumuwas at nagtrabaho kina Jane, sila na ang itinuring na pamilya ni Mang Bert.



"Ano, kamusta na ba? Matagal-tagal tayong hindi nagkita," ang masayang bati sa kanila ni Manong Bert habang kinukuha ang dala nilang bag.


"Hi 'Ta Berts! Na-miss n'yo ako, 'no? Parang nagkaka-muscle 'ata tayo ah," panunukso naman ni Jane.



"Aba, halata na ba? Eh abs ko nga ngayon ang inaayos namin ng Trainor ko. Tapos na kasi kami sa biceps workout," sabay pakita ng biceps ni 'Ta Berts.



Nagkatawanan silang tatlo.



"Ay oo nga pala 'Ta Berts, friend ko, si Marsha," sabay hawak sa kamay ni Marsha habang ipinapakilala ito. Napansin ito ni Manong Bert pero nagkunwari na lamang siya na walang nakita. "Doon lang siya nakatira sa tapat ng unit ko," dagdag pa ni Jane.



"Ah...kamusta naman? Pareho din ba kayo ng kursong kinukuha?" tanong ni Manong Bert.



"Nagwo-work na po ako sa bangko," sagot ni Marsha.



"Ah gano'n ba? O sige, ituloy na lang natin sa kotse ang kamustahan at kanina pa naghihintay ang Mommy at Daddy mo sa inyo. Pinagluto ka pa ng Yaya mo ng paboritong mong Lasagna."



"Okay, let's go!" ang yaya ni Jane kay Marsha.




Pakiramdam ni Jane ay para siyang balikbayan na umuwi. Paano ba naman, ang Mommy niya at ang lahat ng kasambahay nila ay nakatayo sa may front door at naghihintay sa kanila. Iyong karaniwang eksena sa mga telenovela kapag umuuwi ang bida sa kanilang matandang mansion o hacienda. Ganoong-ganoon ang sumalubong kay Jane.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon