Chapter 6

5.3K 164 11
                                    

Halos kada umaga na lang ay pareho ang eksena ni Jane. Lagi siyang tumatakbo at humahangos sa hallway ng Estacio. Lagi siyang late at naghahabol para sa kanyang first period. Nagmamadali siyang lumiko sa corner ng hallway nang may nabangga siyang babae. Nalaglag ang mga dala nitong gamit sa lapag.



Nagulat si Jane, "Fuck!—Sorry, sorry." Yumuko ang babae para pulutin ang mga gamit niya. At sa isang banda ay nakilala ni Jane ang babaeng nabangga, "Ikaw na naman?" Tiningala siya ng babae at pagkatapos ay yumuko muli ito at itinuloy ang paglilikom ng mga gamit niya. "I'm sorry, pero nagmamadali talaga ako. Late na kasi ako. Sorry, 'di na kita matutulungan. I'll see you around?" patanong na sambit ni Jane.



Parang walang narinig ang babae, hindi siya sumagot at nagpatuloy pa rin sa pagbabalik ng kanyang gamit. While Jane scuffled her way from the scene, she cannot control herself and stole another glance. Slowly, she tilted her head and caught a glimpse of the girl who, she did not anticipate, was already looking at her."'Tang Ina!", Jane whispered to herself. She felt her face turned red as she hurriedly looked away in pure dismay and embarrassment. Jane was lost in her thoughts, she didn't even notice that her steps was in slowmo.



Hindi pa din niya maialis sa isip ang mukha ng babae, "Well I must admit, she's very attractive. She had a natural beauty, the kind you get even without any makeup. Her nose is perfectly shaped...Those full, red lips were like rubies...Her almond-shaped eyes are in the deepest brown color...With long eyelashes that evenly curled up...And her eyebrows are in a perfect arch shape...WaitI've also noticed that her eyes were all swollen." Bigla tuloy naisip ni Jane, "Did she cry in her sleep? Or she just woke up? Pero nakaligo na siya, obviously. Kasi I can still smell her hair and perfume from where I was standing, yung RL BlueGod, she smells so good! So kung naligo na siya, dapat hindi na namumugto ang mga mata niya, right?Or was it allergies kaya? Or baka nag-away na naman sila ni Club Dredd. Waitpakialam ko, 'di ba? Bakit nga ba iniisip ko pa 'yang mga bagay na 'yan. The hell I care! Ganoon ako dapat."



At habang kinukuha at inilalagay ang mga gamit niya para sa klase, hindi talaga maalis sa isip niya ang babae. Alam niyang may mali sa kanyang nararamdaman. Inisip niya na lang na baka ito'y isang normal na paghanga lamang sa kapwa babae, "Girl Crush" kumbaga. Yung kagaya ng paghanga kina Joyce Jimenez, Claudine Baretto or Kristine Hermosa. Naisip niya, "Siguro ganoon nga lang," habang binibigyan niya ang sarili ng assurance. "Pero bakit ang hirap paniwalaan? Bakit sarili ko na, ang hirap pang i-convince? Bakit parang pakiramdam ko, niloloko ko ang sarili ko? Puro bakit, bakit, bakit!" Umupo siya sa dining table at inilagay ang mga kamay sa kanyang mukha at muling nag-isip. Litong-lito si Jane. Naudlot lang ang kanyang malalim na pag-iisip nang tumunog ang kanyang pager, Pager: WHERE ARE YOU? MS. VALDEZ IS LOOKING FOR YOU. TERM PAPER DUE - AMBERS



Napatingin si Jane sa wall clock, "Shit, quarter to 10 na pala." Dali-daling kinuha ni Jane ang bag at umalis na ng unit niya. At sa kanyang paglabas sa hallway, mayroong maliit na boses na nagsasabi na, "Sana makita ko siyasana makita ko siya uli." Pero WALA. Sarado at tahimik ang unit sa tapat, wala na din siya sa hallway.



At sa kanyang paglalakad papuntang school, hindi niya pa din naiwasang isipin ang mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan. At ang pinagtataka pa niya, sa unang pagkakataon ay ni hindi niya napansin ang paglipas ng oras. Dati kahit anong puyat, kahit walang tulog, hindi siya nagmimintis sa first period niya. Yes, Jane is usually late, pero never absent—ngayon lang. Pagdating ni Jane sa may Pergola, napatigil siya at napaupo sa biglang na-realize, "Sana mali ako sa naiisip ko. Sana mali ang nararamdaman ko. Sana mali ako...kasi alam kong mali ito."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon