Chapter 44

2.2K 110 7
                                    

"Bata ka, anong oras na? Gusto mo palang umuwi dito sa Cavite sana tinawagan mo na lang ako para nasundo kita. Ang lakas-lakas pa naman ng ulan," nag-aalalang bati ni Mang Bert kay Jane. Bumaba si Jane mula sa kotse at bahagyang binati si Mang Bert, "Janey, okay ka lang ba?"


Ngumiti lang si Jane at iniwasan ang tanong, "Si Mommy at si Daddy po?"


"Ang Mommy mo baka nasa kwarto na. Ang Daddy mo naman ay hindi pa umuuwi."


"Sige po, puntahan ko lang si Mommy," paalam ni Jane.


Dumeretso si Jane sa kwarto ng Mommy niya at kumatok, "Sino yan?" tanong ng Mommy niya. Hindi sumagot si Jane at pagbukas ng Mommy niya ng pinto ay bigla niya itong niyakap at ibinuhos niya lahat-lahat. Umupo sila ng Mommy niya sa kama habang yakap-yakap siya. "Baby, what happened? Tell me." Hindi nagawang sumagot ni Jane at patuloy pa din ito sa pag-iyak. "Is it because of Marsha? What happened? Tell me everything, I will listen to you."


Pinunasan ni Jane ang kanyang mga mata at pilit na pinipigilan ang muling pagbuhos ng luha, "It's over Mom. It's over," at muling umiyak ni Jane.


"Maybe she just needed some space. I'm sure maayos n'yo din ito," mahinahong sabi ng Mommy niya.


"No, I don't think so Mom. It's getting complicated. And she can't handle it anymore. Right now, I can't go into details, hindi ko pa po kaya. I'm sorry Mom. I just need you."


"I understand, Anak. And I think it would be best if you stay here with us for the meantime. At least may kasama ka. You can stay here for as long as you like. Bukas na bukas, papupuntahin ko si Yaya at si Mang Bert sa unit mo para makuha ang mga gamit mo," lalong humigpit ang pagkayakap ng Mommy niya.


"Thank you, Mommy."


"I know you're not ready for any advice and I really don't know what happened between you and Marsha but let me say this-Jane, if the love you had was real, then it will always have its way to find you and Marsha. So Anak, don't rush it. If Marsha is not ready now, then let her be. Kasi kahit na anong mangyari, kahit gaano pa katagal kung talagang mahal ka niya gagawa siya ng paraan, gagawa ng paraan ang tadhana para sa inyong dalawa."


Hindi na sumagot si Jane at naisip niya, "Sana nga Mommy tama ka. I'm still hoping na maayos pa namin ni Marsha ito. I wish that one day she'll have the courage to stand for me and to fight for our relationship."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon