Chapter 26

3K 112 13
                                    

Pagpasok uli ni Jane sa bahay ay nadatnan niya ang kanyang Mommy at si Marsha na magkasundo at abalang nagpe-prepare ng dinner. Masaya ang dalawa, nagkukwentuhan habang ginagawa ang kanyang paboritong Baked Tahong at Mutya ng Cavite soup. Kaya naman nagpasya si Jane na ipagpaliban ang payo ni Mang Bert na tanungin at kausapin nang masinsinan si Marsha. Hindi rin nagtagal at dumating na ang kanyang Daddy. Niyakap siya nito nang mahigpit at hinalikan, saka umupo sila sa kanilang living room at nagkwentuhan. Like her Mom, they have a lot of catching up to do. Kaya naman wala silang pinalampas na oras at walang humpay ang kwentuhan ng mag ama.



Hindi rin nagtagal at tinawag na sila ng Mommy niya, ready na daw kasi ang dinner. Isang eight-seater ang kanilang dining table, at as usual ang Daddy niya ay umupo sa kabisera. Ang Mommy naman niya ay nasa kanang bahagi, at sina Jane at Marsha ay magkatabing umupo sa kaliwa. Marsha said grace bago sila nagsimulang kumain ng hapunan.



"Let's eat. Kami ni Marsha ang nagluto niyan. Mahilig din palang magluto itong friend ni Jane." Kinuha ng Mommy niya ang kanilang mga soup bowls at sinimulang lagyan ng Mutya ng Cavite soup. "Marsha, don't'be shy ha...Kain lang ng kain, Hija."



"Yes po Tita. Thank you," nakangiting sagot ni Marsha.



Her Dad cleared his throat, "So Marsha, you are already working in a bank? For how long?' Kumuha ito nang isang pirasong liempo at sinimulan niya na itong hiwain gamit ang isang steak knife.



"Almost three years na rin po, Sir," maikling sagot ni Marsha.



"You can just call him Tito, Marsha," mungkahi ng Mommy ni Jane.



Nagpatuloy ang kwentuhan nila habang kumakain. Si Jane nagkwento tungkol sa mga naging projects nila, tungkol sa Thesis niya. Tungkol kay Ambers at sa pagdalang nang mga gimik niya, na lubhang kinatuwa naman ng parents niya. Si Marsha naman ay hindi rin nakaligtas sa mga tanong ng parents ni Jane. Napilitan tuloy siyang magkwento tungkol sa pamilya niya, sa trabaho at pati na rin kay Rex.


Dumating si Yaya dala ang isang tray ng mainit na Baked Tahong. Inilagay niya ito sa table. "Mom, Dad" malalim ang buntong hininga ni Jane at ang lahat ay natigilan sa pagkain. Kahit si Marsha ay biglang napatingin sa kanya.



"Yes Hija, you need anything?" tanong nang kanyang Mommy.



Parang may nakabara sa lalamunan ni Jane at pakiramdam niya ay para siyang nawalan ng boses. Nagkatinginan sina Jane at Marsha. Kinutuban na nang masama sa kanya si Marsha, "Don't do it, don't do it, please don't do it," ang sabi ni Marsha sa sarili.



"Mom, Dad—I'm in love with someone," mabilis na sabi ni Jane.



Nagkatinginan ang parents ni Jane, "Well you're almost done with College, right Eduardo? So I don't see anything wrong with it. Just promise me na hindi mo pababayaan ang studies mo," nakangiting pahayag ng Mommy niya.



"So, who is this guy? We want to meet him. Bring him with you on your next visit. And I think whoever is this guy was a good influence to you. Because he made you change your priorities, especially 'yang walang kabuluhang mga gimik mo sa gabi," dagdag pa ng kanyang Daddy.


"Da-aadd, it's actually a she—I'm talking about Marsha." Nakatungo at halos hindi marinig ang boses ni Jane ng mga oras na iyon. Natigilan ang lahat na para bang walang naintindihan sa mga sinabi ni Jane. Kahit si Marsha ay nabigla sa pagtatapat ni Jane.



"Ano, Tomboy ka?" nanggagalaiting tanong ng Mommy niya.



"Lesss-bian, Bi-po 'ata? I'm sorry Mommy hindi ko alam," nanginginig ang boses ni Jane.


Halatang tumaas lalo ang tension sa hapag kainan. Wala nang nagsasalita. Ang Daddy naman ni Jane ay parang natulala, "Lodelia, anong oras na?" mahinahong tanong ng Daddy niya.



"Ha?" sabay tingin ng Mommy ni Jane sa kanyang Rolex wristwatch. "Mag aalas-nuebe na. Bakit?"



Tinawag ng Daddy niya si Yaya, "Yaya, paki tawag si Mang Bert. Paki bilisan lang." Hindi naglaon ay mabilis na bumalik si Yaya kasama na si Mang Bert. "Yaya, pumanik ka sa taas at ayusin mo na ang mga gamit nila at i-empake mo na. Mang Bert, paki hatid na lang sila sa Manila." Pagkatapos ay tinignan nito si Marsha, "And please don't call me Tito, you are not in any way related to me or to my family." Hinawakan siya sa kamay ni Lodelia para pigilan pero mabilis na tumayo ito at umalis na ng dining table.



Ang Mommy niya naman ay nanatiling speechless. Si Jane at Marsha nanatiling nakatungo at walang gustong kumilos o magsalita man lang sa kanila. Hindi naman nagtagal at bumalik na si Yaya dala ang kanilang mga gamit. Sinalubong siya ni Mang Bert at agad inilagay ang mga gamit nila sa kotse. Nagpaalam na si Jane sa Mommy niya pero hindi na ito lumapit o humalik pa. Si Marsha ay nagpaalam at nagpasalamat din.



Tahimik ang byahe nilang tatlo. Walang gustong magsalita o magtanong. Si Mang Bert na hindi maubusan ng kwento ay mas piniling manahimik. Ang tangi nilang naririnig ay ang kantang "All You Need Is Love" ng Beatles na kasalukuyang tumutugtog mula sa kanilang Alpine car stereo. Napaisip tuloy si Jane, "Looks like John Lennon was wrong all along, I think everyone cannot live on love alone. There should always be understanding and acceptance. And now I am tormented between the love for my parents and my feelings for Marsha." Jane closed her eyes and tears began to roll on her cheeks.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon